Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Moira Dela Torre, 1st female OPM artist with multiple digital platinum certifications

NOONG hindi pa uso ang digital/online ay namumukod tanging ang singer na si Nina lang ang nakatanggap ng Diamond Award na ang katumbas ay 10x ng Platinum.

 

At ngayong uso na ay si Moira Dela Torre ang nag-iisa ngayong tumanggap ng multiplatinum certifications para sa kanyang mga nagawang album na iginawad sa kanya sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo.

 

Ang Cornerstone talent ang unang female OPM artist ang may pinakamaraming digital platinum certifications sa history ng music industry.

Sa production number niya kasama sina Zsa Zsa Padilla at Nina sa awiting Tagpuan at Malaya sa ASAP Natin To na ibinigay ni ABS-CBN Star Music executive Jonathan Manalo ang achievements ng singer.

Sabi ni Jonathan, “First, this is the eight-time platinum award for your album Malaya. I have here also a two-time platinum award for your single ‘Ikaw at Ako’ and platinum award for your current album ‘Patawad.’

 

“That is a total of 11 platinum awards. That makes you the female OPM artist with the most number of digital platinum certifications. Your ABS-CBN Music family is so proud of you.”

 

Say naman ni Zsa Zsa, “You are so deserving because sa panahon ngayon talaga, ‘di ba napakahirap makagawa ng sales pero you’re so loaded with talent.”

 

Naging emosyonal naman si Moira matapos niyang tanggapin ang kanyang multiple platinum certifications.

 

“Thank you so much to all my listeners, to all my fans especially my ABS-CBN family, my Cornerstone family and my husband. Maraming maraming salamat po.

 

“I know that it’s been hard for everyone and this family is still so strong and still gives me so much strength to celebrate artists and OPM.

 

Maraming, maraming salamat ABS-CBN. Thank you for being my family. This is for God first and for you,” pagpapasalamat ni Moira.

 

Congratulations Moira mula sa pahayagang Hataw.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …