Friday , November 22 2024

Angel Locsin, pasok sa 2020 Leaders of Tomorrow ng Tatler Asia

SIMULA ng pumasok ang taong 2020, marami ng awards o ilang beses ng kinilala ang aktres na si Angel Locsin sa mga ginagawa niyang pagtulong sa mga nangangailangan.

 

Pasok ang pangalan ni Angel sa 2020 Leaders of Tomorrow ng Tatler Asia na ka-level niya ang malalaking pangalan sa larangan ng public service.

 

Kasama ang Iba ‘Yan host sa The Generation T list kasama ang 400 pang young leaders, “who are shaping Asia by redefining their industries or breaking new ground.”

Ayon sa balita, “Angel was recognized for her tireless philanthropic work in education, domestic violence and health.

 

“Initially famous for her television work, Angelica Locsin became a household name for her philanthropic work, particularly since she donated US$300,000 to scholarships for the less fortunate, as well as supporting the economic and political rights of indigenous people, and working to end violence against women and children.

 

“Since the coronavirus crisis began, she has played an important role in raising funds for hospitals and equipment for frontline doctors.”

 

Sa video ng pasasalamat ni Angel na ipinost niya sa kanyang Instagram ay ang saya-saya niya habang ipinakikita ang librong ipinadala sa kanya ng Generation list 2020 na siya ang nasa cover.

 

“As you can see, I’m very excited to be included in Gen T of Asia list of 2020 as leaders of Tomorrow.  For me kasi this is a huge honor kasi they choose 400 all over Asia at 48 po ang nakapasok mula sa Pilipinas.

 

“Sa totoo lang po, I’m amazed, inspired to be alongside fellow artists all over Asia. And I’m proud to represent the Philippines!  Maraming salamat po Tatler Philippines, Tatler Asia and Gen T,” masayang sabi ng dalaga.

 

Nagpasalamat din ang fiancé ni Angel na si Neil Arce, “Thank you from the Philippines @tatlerphilippines @tatlerasia for making me part of the awesome list. Mabuhay!”

 

Bukod kay Angel ay kasama rin sa 2020 Leaders of Tomorrow list sina gymnast na si Carlos YuloAngkas founder George Royeca, Brian Poe Llamanzares, at ang fashion designer na si Mich Dulce.

 

Kamakailan ay napasama rin si Angel sa listahan ng Forbes Asia sa 13th annual Heroes of Philanthropy list.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *