Saturday , November 16 2024
dead

7-anyos todas sa ‘disiplina’ ng tatay

ISANG 7-anyos batang lalaki ang napatay ng kanyang sariling ama nang sapilitang subuan ng pagkain at suntukin sa ulo at katawan dahil ayaw umanong kumain ang anak sa Taguig City, nitong Sabado ng gabi.

Binawian ng buhay bago idating sa Taguig-Pateros  District Hospital ang biktimang si Johncel Pedriguez, ng Road 39, Block 5, Lot 12 Barangay North Daang Hari, Taguig City.

Dinakip nina Pat. Jensen Jones Ramos at P/Cpl. Jordan Dimayag ng Tanyag Daang-Hari Sub-Station 8 ng Taguig Police at nakatakdang sampahan ng kasong  parricide ang suspek na si Arnold Perdiguez, 28 anyos, matapos ireklamo ng live-in partner, ina ng biktima, na si Luz Montales.

Ayon sa imbesti­gasyon ng Taguig Police, pinapakain ng suspek ang kanyang anak dakong 9:00 pm nang subuan ito pero ayaw kumain umano ng bata na ikinagalit ng suspek at pinilit pang subuan bago pinagsusuntok sa ulo at katawan.

Dakong 4:34 am nang mapansin ang kakaibang hitsura ng anak kaya isinugod ng mag-asawa sa nasabing ospital pero hindi na ito umabot nang buhay dakong 4:42 am nang ideklarang dead-on-arrival ni Dr. Mary Ann Perez.

Sa pulisya, ikina­tuwiran ng suspek, dinidisiplina lamang niya ang anak at walang intensiyon na masama.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *