Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sobrang ganid sa ‘pork’ — solon (Cayetano kaya bumagsak)

ni Gerry Baldo

SOBRANG pagkaganid sa pork barrel kaya nasira, ang liderato ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang sinabi ni Cebu City 2nd District Rep. Rodrigo Abellanosa sa kanyang interpelasyon sa deliberasyon sa P667.32 bilyong pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.

Ayon kay Abellanosa, dapat pantay ang pagtingin sa lahat ng mga distrito sa bansa.

“Let’s not also forget, that because of the budget of DPWH that caused the downfall of the former of Speaker,” ani Abellanosa.

Busog na busog aniya ang mga “close associates” ni Cayetano sa pondo habang pinagdamutan ang ibang distrito na hindi nila kaalyado.

Isang malinaw na kaso ng pang-aapi ang pondong inilaan sa dalawang distrito ng Cebu City na halos P500 milyon lamang ang ibinigay ng DPWH habang ang distrito ng kaalyado ni Cayetano na si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ay mayroong P11.8 bilyong pondo.

Bukod sa P11. 8 bilyon ng Camarines Sur ay mayroon din P8 bilyon si Cayetano para sa kanyang distrito sa Taguig-Pateros.

Idinaing ni Abellanosa na kasing laki lamang ng pondo ng dalawang distrito sa Cebu City sa P500 milyon na ibinigay ng DPWH kay Villafuerte para ipampatayo ng kanilang kapitolyo at sports complex.

Bukod aniya sa P500 milyon na pampatayo ng kapitolyo ng Camarines Sur ay mayroon pang P250 milyon ang ibinigay ng DPWH kay Villafuerte para sa pagpapatayo naman ng sports complex.

“Para bagang ang katapat lang ng budget ng Cebu City ay capitol building at sports complex lang ng CamSur,” ani Abellanosa.

Anang kongresista ng Cebu, kailangang maging patas si Villar sa distribusyon ng government projects.

“If the unfair allocation of DPWH budget has cause the downfall of the former speaker Alan Peter Cayetano, for all we know, it might became also the cause of political downfall, hope it won’t, of our dear, very good friend Secretary Mark Villar,” ani Abellanosa. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …