Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel umeeskapo, makita lang si Kathryn (‘Di nakatiis noong lockdown)

SA panahon pala ng total lockdown noong Marso ay hindi napigilan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi magkita dahil talagang gumawa ng effort ang aktor para puntahan sa bahay niya ang katipan.

 

Ito ang inamin ni DJ sa virtual mediacon ng digital movie nilang The House Arrest of Us na mapapanood na thru KTX (October 24) at iWant-TFC (October 25) mula sa direksiyon ni Richard Arellano handog ng Star Cinema.

 

Nahirapang hindi magkita ng ilang araw ang KathNiel, “sa sobrang hirap pinuntahan ko siya ha, haha. Siguro mga dalawang araw lang kaming hindi magkita pinuntahan ko na kasi bago mag-lockdown kami lang din naman ang magkasama so, after couple of days pumunta ako, ‘yun lang naman ang ruta ko, magkikita kami tapos uuwi rin ako, ganoon lang hindi naman kami gumagala-gala kung saan-saan. Hindi kayang hindi magkita,” pagtatapat ni Daniel.

 

Hirit naman ni Kathryn, “oo, hindi kaya.”

 

Biro naman ni Robi Domingo bilang host sa mediacon, “frontliner ng pag-ibig ‘yan si Daniel.”

 

At dahil ikinasal sa The House Arrest of Us ang KathNiel, inamin nilang dalawa na hindi pa rin nagbabago ang plano nilang magpakasal bago tumuntong ng 30-anyos ang aktor at beach wedding pa rin ang gusto nila.

 

“Pareho kami na ‘yung dream wedding namin is simple lang and very intimate, ‘yan ‘yung beach wedding.

 

“So, everytime tinatanong kami ‘yan ‘yung isinasagot namin na pareho namin hilig ‘yung beach. Wala namang specific date na sinabi namin na kapag ganitong year kasal na.

 

“Ayaw ko naman siyang i-pressure pero darating din ‘yung mga bagay na ‘yan. Mararamdaman mo naman kapag ready na kayo. So, tingnan natin kung anong period.

 

“Gusto kong bumuo ng pamilya habang bata pa kami para masabayan ko ang paglaki nila, ang energy nila,” sabi ni Kath.

 

Inamin din ng aktres na inihahanda rin niya ang sarili sa edad niyang 24, kaya may anim na taon pang paghahanda.

 

“May ilang panahon pa kami before we turn 30. Actually, ‘yun naman talaga ‘yung plan. Of course, agree ako kasi napag-uusapan naman namin ‘yun. At nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin ‘pag dumating tayo sa punto na ‘yun.

 

“And now ‘yun ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. As in lahat ng kailangan i-ready, kasi malaking step ‘yun and pagdating niyon at least ‘di ba ready na kami and relax na lang.”

 

Ayon naman kay Daniel, ayaw niyang ma-pressure si Kathryn dahil alam naman niya ang priorities ngayon ng dalaga. Willing siyang maghintay kung kailan handa na ito para sa level-up ng kanilang relasyon.

 

Anyway, gagampanan ni Daniel ang karakter na Korics sa digital movie na The House Arrest of Us at Q naman si Kathryn na bago sila ikinasal sa pelikula ay maraming dinaanang hirap sa bawat pamilya nila.

 

Ano ang pagkakahawig ng karakter ni Daniel sa tunay na buhay?

 

“Si Korics is very similar with DJ. ‘Yung characters nila kapag mapapanood mo medyo similar kasi bago rin mabuo ‘yung character, pati ‘yung pangalan niya, tinanong din siya ng writer and tumulong siya sa pagbuo kay Korics ‘yung character niya. So personal sa kanya ‘yun.

 

“Similar I think ‘yung pinakahawig kay DJ kung paano siya sa pamilya niya, sa mga kapatid niya. Kasi roon maipapakita kung gaano ka-protective si Korics sa sisters niya, sa nanay niya sa general.

 

“And siya kasi ‘yung klase ng tao na close sa mom niya so parang natural sa kanya siguro maging kuya kasi in real life ganoon din siya. Kuya ng lahat. Siya ‘yung nagdi-discipline. Ganoong klaseng tao,” kuwento ni Kathryn.

 

Kaya natanong din ang KathNiel kung kumusta ang relasyon ng kani-kanilang family in real life.

 

“I think it’s safe to say na okay. Okay ‘yung relationship ko kay Tita Karla and si mama and si DJ super okay. Happy kami in real life maayos ‘yung pamilya namin pareho.

 

“Siguro tumatag na rin sila over the years na lagi kaming magkasama so parang ‘yung mga kapatid niya para ko na ring kapatid sila.

 

“And parang extended family ko na rin sila. So I’m happy na ganoon ‘yung klase ng relationship na mayroon kami,” pahayag ng aktres.

 

Bukod sa KathNiel, kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, Gardo Versoza, Alora Sasam, at Herbert Bautista.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …