Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy sa pagtapat sa EB at It’s Showtime– Hindi po kami nakikipag-kompetensiya

PARANG wala namang nabago sa trabaho ni Billy Crawford dahil noong nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas Got Talent, at ASAP) niya at isang daily at weekends pa kaya nga tinutukso siya noon na laman siya ng telebisyon.

 

Ngayong nasa TV5 na siya ay dalawa naman ang programa niya, isang daily (Lunch Out Loud) at weekend (Masked Singer) na parehong produced ng Brightlight Productions.

 

Noong wala pa silang anak ni Coleen Garcia-Crawford ay puwede ang maraming shows, pero ngayong may anak na sila at si Billy ang duty sa gabi ay paano niya hahatiin ang oras para sa anak, asawa, at sa trabaho?

 

Sa virtual mediacon ng Bigger Better BER-months para sa Lunch Out Loud ay ipinaliwanag ni Billy na napagplanuhan na niya kung paano aayusin ang oras niya.

 

 “Ang pinakaimportante, I get to manage my time. Alam n’yo po, ‘yung taping hours naman po, hindi katulad ng dati, kasi we still have to abide by all the rules and regulations about the swabbing.

 

“Alam n’yo ‘yung pag nasa trabaho ka, kahit katutuntong mo lang doon, uwing-uwi ka na dahil gusto mo lang siyang makuha or mayakap or mapa-burp man lang.

 

“Pero ‘yun ‘yung ilang mga sakripisyo na kailangan pong gawin ng isang tatay para maitawid nang maayos ‘yung pangarap ng anak namin.”

 

Ang usaping Showtime ay hindi maiwasang hindi tanungin kay Billy na sa ayaw at sa gusto niya ay makakatapat ang dati niyang programa lalo’t nasa Free TV na rin sila ngayon, sa A2Z Channel 11.

 

 “We’re not trying to compete, hindi po kami nakikipagkompetensiya dahil may mga talagang sobrang nauna na po sa amin talaga. ‘Yan po ang ‘Eat Bulaga,’ pati na rin ang ‘It’s Showtime.’

 

“We just want to add more fun and we just want to send more love out there and hopefully, inspire people, lahat ng nanonood po, na makatulong po tayo. Magsama-sama at magkaisa po. ‘Yan po ang gusto naming paratingin sa buong mundo na unity is more important and humility,” katwiran ni Billy.

 

Anyway, bukod kay Billy ay kasama rin sina Bayani Agbayani, Ariel Rivera, Wacky Kiray, K Brosas, KC Montero, Macoy Dubs, at Alex Gonzaga, sa Lunch Out Loud na mapapanood na sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …