IPINANGAKO ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ibabalik niya ang “sense of statesmanship” sa Kamara, sa kanyang talumpati sa plenaryo matapos ratipikahan ang boto pabor sa kanyang pamumuno bilang bagong Speaker of the House laban sa mambabatas mula sa Taguig.
Lumabis sa 186 boto na nakuha niya noong Lunes sa labas ng plenaryo ang nakamit na pagsang-ayon ng mga mambabatas kay Velasco laban kay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano kahapon.
Ginawa ang nominal voting sa plenaryo para mapatunayan na nagkaroon talaga si Velasco ng suporta ng mga mambabatas.
Bago tumungo sa session hall, nag-miting muli ang kampo ni Velasco sa Celebrity Sports Plaza para pag-uaspan kung paano sila mapayapang papasok sa Kamara na nakasarado ang mga pinto.
“First, and most importantly, this is for the Filipino people. The present leadership has been accused of putting political expediency above public service. This perception has scandalized the nation to a point wherein no less than President Rodrigo Duterte himself was prompted to deliver a wake-up call for this august body to shape up or ship out,” ani Velasco.
Ipinaliwanag ni Velasco, sanhi ng kaguluhan sa kamara ang pagtalikod ni Cayetano sa term-sharing agreement.
Sinira ang mga lock papasok sa session hall dakong 10:00 am bago nakapag-umpisa ang kampo ni Velasco para i-ratify ang boto pabor sa kanya.
Sa kabila ng pagpabor ng mga kapwa mambabatas kay Velasco, inihayag ni Cayetano ng ‘irrevocable resignation’ bilang speaker.
“Verbally I am tendering my irrevocable resignation as the Speaker of the House,” ani Cayetano.
Nagpasalamat si Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa oportunidad na maging speaker. (GERRY BALDO)