Tuesday , February 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Wurtzbach-Manze, nagpapansin lang kay Pia — Stop hating on Pia

MATINDI talaga ang pinagdaraanang depression ngayon ng kapatid ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach-Manze dahil pagkatapos niyang siraan to the max ang ate niya ay heto at nakiusap sa publiko na huwag magalit sa kapatid.

 

Binura na ni Sarah ang series of posts niya sa IG story na tinilad-tilad niya ang Ate Pia at humingi siya ng paumanhin. Pero huli na dahil marami na ang nakabasa nito.

 

Pahayag ni Sarah sa kanyang IG story, “Stop hating on Pia. Yes, I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.

 

“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.

 

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.”

 

Klinaro rin nito ang komento ng netizens na kaya niya ginawang siraan ang Ate Pia niya ay dahil gusto nitong mapansin siya.

 

 “I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things. I really just want a hug.  I feel so alone everyday.

 

“Id rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release from within.

 

“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us. Even though it’s easier to just end it all,” pahayag nito.

 

Hmm, mukhang nagkausap na ang magkapatid na Pia at Sarah kaya nabago ang ihip ng hangin. Lumipad patungong UK kagabi ang ex-beauty queen para sa isang commitment at para dalawin din ang bunsong kapatid.

 

Babalik naman sa Nobyrembre si Pia para sa endorsements shoot ng tatlong malalaking produkto.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Jose Manalo Mergene Arime Resort

Jose may bagong resort sa Laguna

MAYROONG bagong negosyong resort si Jose Manalo sa Laguna. Ito ay ang Prime Resort na naka-post sa Facebook ng TVJ. …

Maris Racal Gian Bernardino

Paandar nina Maris at Gian ng Cup of Joe ‘di kinagat ng netizens

I-FLEXni Jun Nardo PRANK lang ni Maris Racal ang post sa social media na may bulaklak kasama …

Andrew Gan

Andrew Gan movie producer na, may malasakit sa movie workers

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG ganap na movie producer na ang aktor/businessman na si …

Martin Venegas Aga Muhlach Anne Curtis

Aga at Anne gustong makatrabaho ni Martin Venegas

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makatrabaho ni Martin Venegas, isa sa bida ng Project Loki  sina Aga Muhlach at showbiz crush …

Ai Ai Delas Alas

Ai Ai hanap pogi at manlilibre ngayong Valentine’s Day

MATABILni John Fontanilla MAY panawagan ang lead actress ng pelikulang Batang Paco na si Ai Ai Delas Alas ngayong …