Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dumbo, ipagpo-prodyus ng pelikula ni Arjo Atayde

NANG walang mauwian ang assistant director ng It’s Showtime na si Dumbo, kina Sylvia Sanchez siya pansamantalang nanuluyan at labis niya itong ipinagpapasalamat dahil hindi lang basta katrabaho at kaibigan ang turing sa kanya, kundi Kapamilya.

Sa guesting ni Sylvia sa programang Magandang Buhay nitong Oktubre 12 ay isa sa napag-usapan kung sino ang nabahaginan niya ng blessings, isa na nga si Dumbo na gusto siyang pasalamatan.

Sabi ni Dumbo, ”Tita lagi ko namang sinasabi sa ‘yo na sobrang suwerte ko dahil napalapit ako sa ‘yo, sa Atayde sobrang salamat po dahil isa lang akong empleado, si Dumbo lang naman ako pero iba ‘yung trato mo sa akin na pamilya, anak. Sobrang nagpapasalamat talaga ako at sa buong Atayde.  Noong wala akong mauwian, sabi mo, ‘rito ka sa bahay, kumain ka riyan. Ganoon po siya (Sylvia) kaya talagang thank you po sa inyo, tita.’”

Hirit naman ng isa sa host ng MB na si Karla Estrada, ”matatakot ka na lang talagang hindi sumunod dahil sisigawan ka niya!” na sinang-ayunan naman ni Dumbo.

“Sobrang salamat po tita, I love you so much po, tita,” sabi pa ni Dumbo.

Ayon naman kay Sylvia, ”Huwag mo laging sinasabi na sino ba naman ako? Si Dumbo lang ako. Sa pamilya wala ‘yung sikat, wala ‘yung mahirap basta sa pamilya hindi tayo magtitinginan ng ako si Sylvia, ikaw si Dumbo ka lang. ‘Pag minahal ko, mahal ko kahit sino ka pa.”

Dagdag ni Karla, ”si Dumbo lagi nating nakikita rito sa ABS-CBN eh, bihira ka rin naman kasi makakita sa trabaho natin na magkakaroon ng bagong family.”

Binanggit din ng empleado na isa rin si Karla sa angels niya.

Binanggit din ni Ibyang na sobrang mahal ng mga anak niyang sina Arjo, Ria, Gela, at Xavi si Dumbo.

At dito na ini-reveal ng nanay ng magkakapatid na ikinagulat ni Dumbo, ”sasabihin ko na, si Arjo balak i-produce si Dumbo.”

“I-produce po ng ano, tita?” natawang tanong ng empleado.

Sabi pa ng aktres, ”sabi ni Arjo, ‘mommy, may future si Dumbo. Sobra siyang mahal ni Arjo.”

“Ano naman ang masasabi mo, Dumbo?” tanong ni Melai Cantiveros.

“Hindi ko pa po ano (masabi), abangan n’yo po ‘yan excited din po ako,” masayang sagot ni Dumbo.

Ngayong taon pala dapat ang planong pelikulang ipo-prodyus ni Arjo pero dahil nagkaroon ng Covid-19 pandemic kaya naurong ito sa 2021.

“Deserved mo ‘yan kasi ‘yan ang tinatawag na timing, in God’s perfect time kaya deserve mo ‘yan,” sabi naman ni Karla kay Dumbo.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …