Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, tigil muna sa pagte-teleserye (Pero waiting sa tambalan nila ni Alden)

TUMANGGING gumawa ng teleserye ngayong pandemya si Bea Alonzo at mas gusto muna nitong pagtuunan ng pansin ang pagba-vlog  na in fairness ay malakas dahil ang house tour part 1 niya ay umabot na sa 3.5M views at ang part 2 ay 1.5M views.

 

Ang kaka-post lang niyang Ask Bea ay mahigit ng 400k views.

 

Feeling namin ay nag-e-enjoy si Bea sa ginagawa niya kaya saka na muna ang paggawa ng teleserye.

 

Pero baka mabago ang plano niya kapag may movie project siyang kasama si Alden Richards na puwede pang gumawa ng pelikula sa Star Cinema.

 

Yes, inamin mismo ni Bea na pangarap niyang makasama sa pelikula ang GMA artist dahil nagkakilala na naman na sila dahil nagkasama ang dalawa sa isang shampoo TVC shoot na ginawa sa ibang bansa.

 

Sobrang nagustuhan ni Bea ang ugali ni Alden dahil napakabait at propesyonal. Ito rin ang kuwento noon ni Direk Cathy Garcia-Molina sa aktor noong nagkatrabaho sila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, 2019 kasama si Kathryn Bernardo na isang monster hit dahil tinalo nito ang number 1 movie noon ng Star Cinema na The Hows of Us.

 

Sabi nga ni Bea sa kanyang vlog, “Sana magkatrabaho kami. Wish ko rin na mangyari ‘yun. He’s such a nice person. I’ve worked with him, sobrang bait. Hindi lang siya, pati ‘yung team niya. I had the best time with him. I think he’s a very, very good actor. Napanood ko ‘yung ‘Hello, Love, Goodbye.’ Sobrang galing nila ni Kathryn (Bernardo).”

 

At si Alden ay ito rin pala ang pangarap, ang makasama ang isang Bea Alonzo sa pelikula.

 

So, Star Cinema, puwede ‘di ba?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …