Thursday , December 26 2024

Kamara tutok sa budget – Cayetano (Pro-Velasco QC session, fake)

HINDI napalitan at hindi dalawa ang House Speaker dahil fake session ang idinaos na pagtitipon ng mga pro-Velasco supporters sa Quezon City, malinaw na labag sa Konstitusyon at mapanganib na precedent.

Ayon kay Cayetano, tuloy ang pagdaraos ng special session na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa gagawing sesyon ang pagpasa ng 2021 national budget ang tututukan ng mga mambabatas at hindi ang isyu ng speakership.

Malinaw umano ang marching orders ni Pangulong Duterte na isaayos ang budget at wala itong pakialam sa usapin ng speakership kaya ito ang gagawin ng Kamara sa sesyon ngayon, 13 Oktubre hanggang 16 Oktubre.

“The House of Representatives will hold a proper, orderly session tomorrow. The budget bill can be passed in 2 or 3 days provided the House majority supports it,” paliwanag ni Cayetano.

Binantaan ni Cayetano ang kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung igigiit na siya ang bagong House Speaker resulta ng nangyaring aniya’y ‘fake session’ sa Celebrity Sports Plaza at hindi niya umano ito hahayaan.

“I will not allow you to burn this house down. If you try to burn this house down, you will get one hell of a fight. Holding a ‘fake session’ sets a dangerous precedent. Don’t throw the Constitution away. Don’t throw the Constitution into the waste basket,” pahayag ni Cayetano.

Nanindigan ang House Speaker na hindi lehitimo at hindi kikilalanin ng Kamara ang sesyon na idinaos ng pro-Velasco congressmen dahil maituturing lamang itong isang social club gathering.

“Sobrang kalokohan ‘yung ginawa nila.You know in your hearts, it’s simply wrong,” pahayag ni Cayetano.

Aniya, ang ginawa umano ng kampo ni Velasco ay malinaw na banana republic at pambababoy sa Konstitusyon.

“Congress is not a noontime show. Congress is not for entertainment. Congress is not a circus. It is the House of the people. This is very disturbing precedent. Sabi nila, basta may quorum. Basta may quorum, they can meet any day and anywhere and do whatever they want? Kung valid ‘yan, banana republic na tayo,” diin ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na nilabag ng kampo ni Velasco ang House Rules nang magtipon-tipon sa kabila ng health and safety protocols na itinatakda ng Inter Agency Task Force (IATF).

Binantaan din niya si Velasco at ang kampo nito na magtatangka umanong gumawa ng kaguluhan sa budget deliberations dahil hindi niya ito papayagan.

Ang sesyon umano sa labas ng Batasan Complex ay dapat aprobado ng resolusyon gaya nang nangyari sa special session sa Batangas noong Enero sa kasagsagan ng pagputok ng bulkang Taal.

“So ‘yung magte-text lang sa isang barkada, gawin natin ito, gawin natin ‘yan. So ganito na ba ang legislation ngayon? It’s silly,” dagdag ni Cayetano.

Dahil fake session ang idinaos ng kampo ni Velasco sa Quezon City pinatutsadahan ni Cayetano na bukas ang Kamara para dumalo sa opisyal at lehitimong sesyon na tatalakayin ang budget sa Batasan Complex.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na hindi makikialam sa Speakership sa Kamara at kung ano man ang gagawin ng mga mambabatas pagkatapos na maipasa ang 2021 budget.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi isyu sa Pangulo kung sino ang mailuluklok na House Speaker at wala na rin sa Pangulo ang usapin ng term-sharing agreement sa pagitan ni Cayetano at Velasco.

“‘Yung mga bagay bagay na ‘yan, wala na ‘yan. Wala na ‘yan. I mean, bahala na sila riyan. Wala na siyang pakialam. Wala na siyang pakialam kung anong gagawin ng mga mambabatas matapos maipasa ang 2021 budget. Walang pinapanigan. To each his own. May the best man win for the speakership – after the budget passes in the House,” pagtatapos pa ni Roque.

Sa oras na matapos ang deliberasyon ng budget ay inaasahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagitan nina Cayetano at Velasco.

Malinaw ang pahayag ng mga kaalyado ni Cayetano nang magbitiw bilang House Speaker noong 30 Setyembre at hindi pinayagan ng mga mambabatas ay malinaw na naging “moot and academic” na rin ang term-sharing agreement sa pagitan nila ni Velasco.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *