Thursday , December 26 2024

200 solons pumirma sa manifesto (Para kay Cayetano)

MAY kabuuang  200 miyembro ng House of Representatives ang pumirma sa isang manifesto na nagpapakita ng kanilang suporta kay House Speaker Alan Peter Cayetano sa gitna ng planong pagpatalsik sa kanya pabor kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“Following the President’s call for the individual members of the House of Representatives to vote freely and without reservation on who we wish to lead this chamber, we the undersigned hereby manifest our full and unequivocal support for the continued leadership of Speaker Alan Peter Cayetano,”  giit ng mga mambabatas sa manifesto na inilabas ni Majority Leader Martin Romualdez.

Ang manifesto ay inilabas matapos ibandera ni Velasco na mayroon siyang 186 boto mula sa ibang House members, at nanumpa bilang Speaker sa kanilang sesyon na ginanap sa Celebrity Sports Complex nitong Lunes, 12 Oktubre 2020.

Sinabi ng kampo ni Velasco, ang 186 boto ay bumubuo sa majority ng 297 miyembro ng House, pero ang 200 miyembro na lumagda sa manifesto para kay Cayetano ay nagpapatunay na ang majority ay nanatili pa rin sa House Speaker.

Sa pagpirma sa manifesto, ang 200 mambabatas ay nagsasabing idinedeklara nila ang kanilang “common desire to heed the call of President Rodrigo Roa Duterte and the entire nation for the swift passage of the 2021 National Budget that is relevant and responsive to the needs of our people as we face this crossroads of history.”

“We likewise join the call of Speaker Alan Peter

Cayetano and the leadership of the House of Representatives for unity and cooperation among our colleagues in all priority legislation that are in line with the efforts of the Duterte administration in combating the CoVid-19 pandemic and providing a safe, prosperous, and comfortable life for all,” sabi ng 200 nakapirmang mambabatas.

Sinabi ng mga mambabatas, naniniwala sila na ang pagre-resign ni Cayetano bilang Speaker noong 30 Setyembre ay tumapos na sa term-sharing agreement sa pagitan niya at ni Velasco, at pagtatalaga muli sa kanya ng nakararaming miyembro.

“We therefore call on Congressman Velasco to respect the collective desire of his peers to allow the continuation of Speaker Cayetano’s exemplary leadership,” pahayag sa manifesto.

Pinasalamatan ng 200 mambabatas ang Presidente sa kanyang “valiant attempts… to resolve the matter amicably among the parties concerned” pero sinuway ni Velasco, tumangging pagbigyan ang hiling ng Presidente na hayaan si Speaker Cayetano na tapusin muna ang pagpasa sa budget hanggang Disyembre 2020 bago magpalit ng liderato.

Sinabi ng majority na ang kanilang commitment ay sa mamamayan — “to do what is right and stand up for the honor” — hindi lamang kay Cayetano kundi sa buong House: “We forge this agreement with you, our fellow citizens, to uphold your best interest against the pressures of partisan politics and personal interests.”

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *