Saturday , November 16 2024

Velasco pasaway

TAHASANG sinuway ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ng kampo nito si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa patuloy na pamomolitika upang maiupo siya bilang Speaker ng kamara.

Matapos magsalita ng Pangulo tungkol sa national budget at sa panawagang ‘wag gamitin ang kanyang pangalan sa pamomolitika, hindi naman tumigil si Velasco at kanyang mga kaalyado sa pamomolitika at pagbira kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Nabulgar ang balak ng kampo ni Velasco, imbes unahin ang pagpasa ng 2021 national budget na layunin ng ipinatawag na Special Session ng Palasyo, mas binigyang diin ang pamo­molitika at pagtatangka na agawin ang liderato ng kamara ngayong Linggo.

Sa isang online presscon na ginanap kahapon, isiniwalat ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ang dalawang text messages mula sa mga kaalyado ni Velasco na sina Rep. Kristine Singson-Meehan at Rep. Mikee Romero na nagpapahiwatig ng patuloy na pamomolitika at pagtututok ng kabilang kampo sa pagpapapalit ng liderato sa Kamara.

Sa isang text message na ipinadala umano sa mga miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC), sinabi ni Singson-Meehan na ang agenda ang kanilang pagpupulong sa Lunes ay “HOR Plenary” at “leadership change.”

Ayon sa Ipinakitang text message na umano ay galing kay Romero, binanggit niyang ang pamilyang Duterte ay nagkakaisa sa kanilang paniniwala na dapat sundin ang gentleman’s agreement at sinusuportahan ni Mayor Sara si Velasco para sa pagiging Speaker.

“Ang pagpapakalat ng mga ganitong text messages ay taliwas sa gusto ng Pangulo na magkaisa ang kongreso para sa mabilis na pagpasa ng 2021 budget,” paalala ni Rep. Elipidio Barzaga.

Unang ginamit ni Velasco ang pangalan ni PRRD nang ipakalat sa media ang mga katagang “It’s your time to shine sa ilalim ng term sharing.” Sinabi rin ng kampo ni Velasco na pumapabor sa kanya si Deputy Speaker Paolo Duterte sa speakership issue sa kabila ng katotohanan na walang kinampihan si Duterte sa kanyang inilabas na statement sa media.

Nagkaisa ang mga kongresista mula sa mayorya ng Kamara na galing sa iba’t ibang partido na bibigyan nila ng prayoridad ang pagpapasa ng 2021 budget bago pag-usapan ang politika.

Nanawagan sina Deputy Speaker LRay Villafuerte, Anakalusu­gan Partylist Mike Defensor, Congress­man Deputy Speaker Butch Pichay, Congress­man Edgar Erice at Minority Floor Leader Benny Abante sa ilang kongresista na makiisa ang lahat sa pagdaraos ng Special Session na ipinatawag ng Pangulo sa 13-16 Oktubre at pagtuunan ng pansin ang pagtalakay at pagpasa ng budget.

“Kung sino anmg manggulo sa Special Session, sila ang sumu­suway sa Presidente. Dapat managot sila sa taong bayan kapag maantala ang pagpasa ng budget,” ani Villafuerte.

Ayon naman kay Deputy Speaker Pichay, malinaw ang sabi ng Pangulo na unahin ang pagpasa ng budget  at huwag sirain ang pokus ng mga kongresista patungo sa pagpapalit ng liderato.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *