Thursday , December 26 2024

Transport groups nagpasaklolo sa Kongreso (Sa driver’s license application, phase out ng PUVs, MVIS program)

HUMINGI ng tulong sa kongreso ang grupong National Public Transport Coalition, na kinabibilangan ng iba’t ibang transport groups tulad ng public utility jeepneys, buses, UV Express units, tricycles, taxis, trucks, at haulers, tungkol sa bagong requirements ng Department of Transportation (DOTr) sa pag-iisyu ng driver’s license, phase out ng PUVs sa 31 Disyembre 2020 at Motor Vehicle Inspection Service (MVIS).

Sa ilalim ng bagong panuntunan ng DOTr, ang mga aplikante sa driver’s license ay kailangan munang naka-enrol sa isang driving school na sumisingil ng higit sa P200 kada oras.

Kailangan bunuin ang 15 oras ng schooling bago isyuhan ng lisensiya kung sila ay nakapasa sa driving test. Nagtataka ang grupo kung bakit walang government regulatory agency o kagawaran ang dapat gumawa ng inisyatibo para magkaloob ng libre o mas mababang rates.

Pinuna ng grupo, na pinamumunuan ni Ariel Lim, sa pagsasabatas ng Bayanihan 2, nakasaad dito na walang PUV units ang tatanggalin sa panahon ng pandemic.

Nabatid din ng grupo na naglabas ng isang resolution ang DOTr na dapat lagdaan ng operators, na sapilitan silang inaatasan magkonolida bago ang 31 Disyembre 2020 kung hindi ay babawiin ang kanilang prankisa at ‘di na sila makapagre-renew ng kanilang prankisa sa isang taon.

Itong resolution na ito ay bukod pa sa magka-ugnay na reminders mula sa DOTr na nakapaskil sa kanilang tanggapan.

Ang patuloy na pagsusulong ng pamahalaan para sa PUV modernization, dagdag ng grupo, “ay patuloy na nagdudulot ng pangamba at agam-agam sa hanay ng jeepney operators at tsuper na nag-aalala na sila’y mawalan ng pagkakakitaan sa gitna ng pandemic.”

(Sa kasalukuyan, 10 per cent ng kanilang units ang pinayagang pumasada sa kanilang regular routes sa Metro Manila base sa huling resolution ng LTFRB ngayong huling linggo ng Setyembre).

Ayon sa grupo, ang MVIS program ng pamahalaan upang patunayan ang road worthiness ng sasakyan ay kasalukuyang isinusulong at masusing pinag-aaralan sa Kongreso para mapabuti ang dating sistema ng emission testing.

“Naglaan ba ng budget ang pamahalaan para makabili ng makinang magagamit ng PUVs, buses, jeepneys, taxis, trucks UV Express units at tricycles upang makatulong sa operators na makabawas sa mga gastusin na noong una pa ay inatasan ng pamahalaan na sumailalim ang kanilang sasakyan sa pagsusuri sa kabila ng dumaraming sasakyan sa kalsada, kakayanin kaya ito ng MVIS?”

Inirekomenda ng grupo sa Kongreso na hayaan ang huling mag-accredit o mag-approve ng mga prankisa sa qualified companies/institutions para maiwasan ang lumang sistema ng corruption at payagan ang iba pang most qualified companies na makalahok sa ganitong uri ng business sapagkat ito ay para sa public service.

Inihayag din ng grupo ang mga karaniwang daing na kanilang natatanggap sa kanilang office sa kasalukuyan.

‘Yung malalapit sa mga nakatataas sa ahensiya ang na-accredit kahit kung minsan ‘di nila nami0meet ang standard requirements samantala ‘yung mga qualified ngunit ‘di malapit sa matataas na opisyal ng ahensiya o department ay bigong makakuha ng accreditation.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *