Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Parañaque

Lalabag sa Exclusive bicycle, motorcycle lanes sa Parañaque pagmumultahin

PAGMUMULTAHIN ng Parañaque city government ang lahat ng lalabag sa ordinansa na nagbabawal sa mga sasakyang gumamit ng exclusive bicycle and motorcycle lanes sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue (Sucat Road) sa lungsod simula ngayong Lunes.

Sa direktiba ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, inatasan nito ang traffic and parking management office na ipatupad ang City Ordinance 2020-23, na nagtatalaga sa outer lane ng A.1 Avenue hanggang sa Ninoy Aquino Avenue bilang bike at motorcycle lanes, at ang alituntunin sa parusang katapat nito. Sa ilalim ng ordinansa, ang inner lane ng 12-kilometer avenue ay para sa private vehicles. Ang center lane ay para sa delivery trucks, vans at iba pang mahahabang behikulo.

Ang outer lane ay para sa bisikleta at motorsiklo na may blue road markings at signages, na isinunod sa international standards.

Ayon sa alkalde, lahat ng mga behikulong legal na papa-rada sa bike at motorcycle lane ay pagmumultahin ng P1,000. Gayondin ang motorcycle riders na tatahak sa labas ng exclusive lane ay pagmumultahin ng P1,000 habang ang bike riders ay P500 sa bawat paglabag.

Padadalhan ng notices at tickets sa pamamagitan ng ‘no contact apprehension policy’‘ ang mga lumabag.

Binigyang – diin ng alkalde, ang pagbibisikleta ay hindi lamang nagtataguyod ng kalusugan at paglilibang ngunit magbibigay din ng isang alternatibong solusyon upang mapagaan ang posibleng kakulangan ng magagamit na mass transportasyon sa panahong ito ng pandemya.    

                (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …