Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya stars, magtatapatan ng shows sa A2Z at TV5

EXCITED na ang co-producer ng Brightlight Productions para sa comedy show na Oh My Dad na si Atty. Joji V. Alonso ng Quantum Films dahil panay ang post niya sa kanyang social media account ng programang pagbibidahan nina Ian Veneracion, Sue Ramirez, Louise Abuel, Adrian Lindayag, Dimples Romana, Ariel Ureta, at Ms. Gloria Diaz na mapapanood na sa Oktubre 24, 5:00 p.m. sa TV5.

Makakasama ng mga nabanggit sina Gerard Acao, Viveika Ravanes, at Fino Herrera mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian, conceptualized and written by Allan Habon.

Ang tanong ng mga nakausap namin ay ano ang makakatapat ng Oh My Dad sa Kapamilya Network na napapanood na sa free TV sa A2Z Channel 11 sa Zoe TV.

Magkakatapat kasi ang mga Kapamilya stars na bentahe rin ito para sa supporters ng bawat artista dahil mamimili sila kung anong network ang panonooran nila, A2Z Channel 11 o ang TV5?

Tanong nga ng mga kaanak at mga kaibigan namin sa Amerika ay paano nila mapapanood ang mga programa ng Kapatid network?  Mayroon lang silang iWant TFC na obviously hindi kasama ang TV5.

Ang sagot naman ng head ng programming ng TV5 na si Direk Perci M. Intalan, “Hi Reggee, alam ko sa PGN, ‘yung Pilipinas Global Network. ‘Di ko lang sure sino nagke-carry sa US. Patanong ko. Alam ko lumakas na ‘yun dahil sa PBA eh.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …