Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dennis Padilla, umapela kay Jay Sonza: Mag-public apology ka na lang sa anak kong si Julia

SA panayam ng Cinema News Home Edition kay Dennis Padilla ay may payo siya sa rating broadcaster na si Jay Sonza na para hindi na lumaki pa ang gusot nito sa anak niyang si Julia Barretto na kamakailan ay nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation ng cyber libel at violation of the Safe Spaces Act o Republic Act 11313 ay mag-public apology na lang.

Kaibigan ni Dennis si Jay kaya ayaw niyang lumala pa at gusto niyang maayos ang gusot sa anak nito pero dahil nasa hustong gulang na si Julia at anuman ang hakbang na gawin nito ay suportado ng aktor bilang ama.

Aniya, “Kuya Jay, ikaw ay inirerespeto ng lahat. Nirerespeto kita hindi ka rin iba sa akin, kuya na rin kita rito sa industriya.

“I hope you make a public apology for my daughter and for us, for me sa tatay ni Julia at for Marjorie sa nanay niya and for the whole Baldivia clan and the whole Barretto clan.

“Kasi mahal namin ‘yun eh, mahal namin kaya kapag mayroon kang taong minamahal, pinoproteksiyonan mo ‘yun at kapag alam namin na ang laban niya eh parehas siyempre roon kami.”

Dagdag pa, “I feel sad din na nakaka-experience si Julia ng mga ganito dahil siyempre instead of focusing on your career and your plans sa buhay, ay may mga kaunting obstacle na dumarating.

“And I’m sure naman na Julia can handle it kasi matapang din naman ‘yan eh, alam niya kung kailan dapat lumaban at alam din niya kung dapat mag-apologize.

“Sinabi ko nga na I hope ‘wag nang umabot sa kasuhan, ang gusto ko sana we can settle this amicably and I hope that Jay Sonza, si Kuya Jay ay mag-public apology na lamang.

“Kaya lang siyempre karapatan din naman ng anak ko na mag-file ng kaso kasi she’s an adult and she has to protect her name.

“Number 1, ano siya eh sikat na aktres, ‘di ba, inirerespeto ng maraming fans and I respect her decision because she’s an adult she’s already 23 so, kung anuman ang mga desisyon niya nandoon lang ako sa likod niya.

“Kaya noong mag-file siya, tinext ko lang siya na ‘Anak, I’m just a text away, nandito ako sa Batangas doing a teleserye with KathNiel.’

“Tapos sumagot siya, ‘Thanks Papa, ingat ka riyan sa taping, be safe and observed all health protocols.’ Yun ang sinabi niya.”

At kapag hindi nagkaayos at umabot na sa korte ay asahan ang presensiya ni Dennis para sa anak.

 “Yes I’m willing. Siyempre anak ko ‘yun eh ‘di ba? Pero ako ang wish ko lang na kuya Jay mag-public apology ka na lang para sa anak ko. Regalo mo na sa akin ‘yun. ‘Di naman ako iba sa ‘yo,” muling pakiusap ni Dennis kay Jay.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …