Monday , December 23 2024

50 health cards, ipamimigay ni Kris Aquino 

INANUNSIYO ni Kris Aquino na back to work na siya ngayong Oktubre at excited na siyang mag-shoot na hindi naman binanggit kung ano ito.

 

Pero bago siya babalik sa harap ng kamera ay nagpa-swab test siya bilang parte ng health protocol ngayong panahon ng Covid-19 pandemic.

 

Post ni Kris, “Pictures are from when I took my swab test mid August, repeated it a week after plus the ECLIA (method) blood test. We quarantined for 3 weeks.”

 

Bakit kinailangang mag-quarantine nina Kris at Bimby? Dahil, apat sa staff niya ay nag-positibo sa corona virus. Nabanggit ding hindi naging maganda ang buwan ng Agosto na itinuring ghost month at sa unang linggo ng Setyembre.

“I’ve been blessed w/ a loyal & dedicated TEAM. we went through a difficult time from mid August to early September when Covid-19 became REAL for us- Kuya Josh was in Tarlac, Bimb & I were spared- BUT 4 tested positive. 1 of them needed 2 months to fully recover.”

 

Masuwerte ang mga staff ni Kris dahil lahat sila ay may health insurance na matagal na niyang binabanggit sa lahat dahil ang katwiran niya ay parte sila ng pamilya at bilang parte ng pamilya, dapat inaalagaang mabuti.

 

Nabanggit pang ire-renew na ni Kris ang health cards nila, “this month it was time to renew their health care plans & I switched to @insularhealthcareph.”

 

Sa pagpapatuloy ni Kris, “I’m praying we stay SAFE and the worst is behind us BUT because I’m going back to work- it’s my responsibility to take care of my team, my sons, and me. I chose @insularhealthcareph because they have doctors you can consult with 24/7 through telemedicine. I got an additional plan because my sisters are anxious that I’ll be on location starting this week & I do have my autoimmune issues- I was convinced to choose InLife Health Care because they have the Emergency Response Program through Lifeline Arrows PLUS the Advanced Life Support Ambulance & Medical Airlifts.

“I learned from seeing it up close, no matter how cautious you are, illness & accidents can happen. I should take care of my family and those who take care of us,” kuwento nito.

 

At dahil may sobra siyang 50 health cards ay nais itong i-share ni Kris sa kanyang avid followers sa lahat ng social media accounts niya.

 

“I have 50 @insularhealthcareph ER Care cards with coverage up to P100,000 including for COVID-19 kailangan natin alagaan ang isa’t isa, and I feel blessed to be able to SHARE this with you. please LIKE this post & tell me why you or someone you LOVE will benefit from this ER Care card. #takecareteam.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *