Monday , December 23 2024

Henry Omaga-Diaz, kapalit ni Ted Failon sa TV Patrol

ANG beteranong mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz ang ipinalit ng ABS-CBN sa inalisang puwesto ni Ted Failon sa TV Patrol. Lumipat si Failon sa TV5 at ngayong Lunes din magsisimula ang kanilang radio program ni DJ Chacha sa Radyo 5.

Ngayong Lunes (Oktubre 5), mapapanood na sa TV Patrol si Henry para maghatid sa mga Filipino ng pinakamalaking mga balita kasama nina Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Lubos ang pasasalamat ni Henry, na mahigit 40 taon na sa industriya, sa oportunidad na makabalik sa pangunahing newscast ng ABS-CBN, na nagsilbi rin siyang anchor noong 2001 hanggang 2003, at mula 2004 hanggang 2006 naman sa TV Patrol Weekend.

“Ang TV Patrol ay isa sa pinakamahabang newscast, biruin mo 30 years na ito sa ere, at pinakamalawak din sa buong bansa. Hindi lamang nakararating dito sa Pilipinas pati sa mga kababayan natin sa ibang bansa. Ang pagbalik ko sa ‘TV Patrol’ ay isang malaking karangalan. Kahit na sabihin natin na limited ang platform ngayon, napakarami kahit sa social media ang nag-aabang at naniniwala pa rin sa ‘TV Patrol,’” aniya.

Ayon kay ABS-CBN News head Ging Reyes, si Henry ay isang huwarang mamamahayag na marami nang nagawang makabuluhang ulat at may integridad na hindi matatawaran.

“Kung saan-saan na sa mundo ang narating ni Henry sa kanyang pagbabalita. Gayunman, nananatili siyang nakatuon sa kanyang misyon na mag-ulat ng katotohanan. Hindi na nakagugulat ang kanyang pagbabalik sa ‘TV Patrol’ dahil isa siyang patunay na ang galing ng mamamahayag ay nakabatay sa kanyang paglilingkod sa publiko,” sabi ni Ging.

Tatlumpong taon na si Henry sa Kapamilya Network na nagsimula siya bilang reporter sa radyo bago pumasok sa telebisyon. Dito nagbalita siya tungkol sa mga sakuna, sagupaan, at mga mahahalagang pangyayari sa ibang bansa tulad ng kaso ng domestic helper na si Sarah Balabagan sa Middle East, at ang paglilikas sa mga OFW mula sa Libya sa kasagsagan ng kaguluhan doon noong 2011.

Naging bahagi rin siya ng mga programang XXX, Krusada, at Bandila at nakilala sa kanyang mga istoryang nagsisiwalat sa mga anomalya sa gobyerno at pang-aabuso sa lipunan. Kabilang dito ang 2014 investigative report niya sa mga drug syndicate sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at ang planong pagpapaalis sa mga residente ng CHILD HAUS, isang tuluyan para sa mga batang may kanser, noong 2016.

Sa kanyang pagbabalik-TV Patrol, kinasasabikan ni Henry ang makasama ang kanyang mentor sa broadcasting na si Kabayan at dating co-anchor sa TV Patrol Weekend na si Bernadette.

“Ang makakasama ko ay maituturing na mga haligi ng pagbabalita sa ‘TV Patrol.’ Sana mapunan ko ‘yung expectation sa akin ng mga tao, ang inaasahan sa akin ni Kabayan, dahil siya ang mentor ko, at magawa ko ‘yung aking trabaho bilang mamamahayag at makapagbigay pa ng mas makatotohanang balita at impormasyon para sa mga kababayan natin,” sambit pa ni Diaz.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *