Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica, Bela, at Kim, nakikain sa birthday ng ‘di nila kilalang netizen

H i  everyone!  Celebrating our 3 years of friendship. We may not see each other that much because of our busy schedules, but when we do it, it’s always a RIOT of FUN!!!! As the saying goes, ‘We all have that friend who you may not see very often, but when you reconnect it just feels like yesterday.’ I am lucky to call them my friends!” ito ang bungad ni Kim Chiu sa kanyang vlog na in-upload niya 19 hours ago habang isinusulat namin ito.

Deadma sa Covid-19 pandemic ang magkakaibigang Bela PadillaAngelica Panganiban, at Kim dahil pumunta sila ng Zambales para mag-unwind at ang una ang driver ng van nila.

Mabuti na lang at ni isa sa tatlong aktres ay hindi na-link kay Gerald Anderson na madalas ngayong nasa Zambales din dahil doon matatagpuan ang kanyang pinauupahahang Hayati Private Resort or else baka bigyan ng malisya ito.

Nagpunta sina Kim, Bela, at Angelica sa nasabing lugar para ipagdiwang ang kanilang 3rd friendship anniversary na tinawag nilang AngBeKi na kinuha sa simula ng mga pangalan nila.

Sa vlog ni Kim ay mapapanood ang out of town adventure nila nina Bela at Angge.

”This is super exciting and looking forward kung ano ‘yung magiging first outing namin in this quarantine season,” simula ni Kim.

Adventure talaga ang ginawa ng AngBeKi dahil nag-gate crash sila sa birthday lunch party na pinuntahan ng kaibigan nilang si Cherry Pie Picache na kasama ni Angge sa teleseryeng Walang Hanggang Paalam na umeere ngayon sa Kapamilya channel.

Kakatawa dahil halos lahat ng taong nasa venue ng hotel ay binati nila ng happy birthday na hindi naman pala dahil ang may kaaarawan ay nakaupo sa pinaka-dulo.

In fairness, tuwang-tuwa ang taong may kaarawan dahil ang gatecrashers niya ay mga sikat na artista kaya mega-pictorial ang lahat kahit may social distancing.

Nilubos na ng tatlong magkakaibigan ang pagge-gate crash dahil nakiligo na rin sila sa pool at saya-sayahan ang drama nila.

Si Kim ang nag-ihaw ng steak para sa dinner nila bukod pa sa ibang inihandang ulam tulad ng crab at si Angelica ang taga-imis ng mismis sa plato bago ito hugasan ni Bela, si Kim naman ang tagapunas.

Habang nagpapababa ng mga kinain nila ay naglaro sila sandali ng cards na kinawawa nina Angelica at Bela si Kim dahil hindi gaanong maalam sa laro nila.

Kinaumagahan naman ay makikita si Angelica na nagluluto ng tuna omelet, corned beef, at fried rice.

Nag-island hopping din ang tatlo sakay ng motor board na si Angelica mismo ang nagda-drive.

Ang ganda ng napuntahan nilang island na maraming puno sa paligid kung saan sila nag-stay para ibaba ang gamit at para maligo sa blue water ng nasabing isla.

Pagandahan ng two-piece ang tatlo at bigla naming naisip na puwede silang gumawa ng pelikula na sila mismo ang bida na mala-Temptation Island, ano sa tingin mo Ateng Maricris?

Ipinakitang umahon na ang tatlo dahil madilim na ang langit, sabi nga ni Kim, ‘’feeling ko, uulanin kami (lakas ng hangin). Grabe, it’s going to rain.” Ipinakikitang naghihiwa naman ng kalamansi si Angelica na feeling din namin ay ihahalo nila ito sa inumin nila.

Ang grupo nilang AngBeKi ay nabuo, ”Twitter name lang ‘yan. Pinagsama ‘yung Angelica, Bela, and Kim. Sakto naman mga bakla naman kami. Babaeng bakla. So sige AngBeKi na lang tayo.”

At natapos ang isang araw na getaway bonding na ayon sa kanila ay gagawin nila taon-taon.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …