Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyong Raymart at Jodi, 1st quarter of 2020 pa nagsimula

PERFECT combination para sa amin sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria dahil halos pareho sila ng personalidad, parehong hindi loud, secretive, family oriented, tahimik pero mapanganib he, he, he at hindi mapagpatol sa mga intriga o ayaw magpa-interview, sa madaling salita pareho silang dedmatology.

 

‘Yun nga sa sobrang tahimik at secretive nila ay nagulat ang publiko na into a relationship na pala sila kung hindi pa nag-post ang talent manager na si Noel Ferrer sa kanyang Instagram account ng larawang magkayakap sina Raymart at Jodi sa isang pribadong lugar sa Ayala Alabang, hindi natin malalaman.

 

Ang caption ni Noel sa larawan nina Raymart at Jodi, “WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!”

 

At in fairness, hindi naman ito itinanggi ng aktor. Base sa panayam niya kay Noel, “Hindi naman kami KathNiel o LizQuen. Kung ano man ‘yung inilabas niyo, ‘yun na ‘yon, Masaya lang lahat.”

 

Anyway, wala kaming nabasang negatibo sa relasyon nilang dalawa. Katunayan, lahat ng mga kaibigan nila sa showbiz/non-showbiz at supporters ay binati sila ng ‘congratulations’ at ‘happy for both of you’ bukod pa sa emoji hearts.

 

Nagtanong kami sa common friend namin sa dalawa kung paano at saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan. “Walang nakaaalam kasi pareho silang malihim, pero may nagkuwento na first quarter of this year (2020) pa sila.”

 

Dagdag pa, “Same circle of friends siguro o Dreamscape gatherings, hindi naman malayo dahil madalas namang magkaroon ng events ang unit ni Deo (Endrinal- TV executive) at invited lahat ang artista niya sa mga programang ipino-produce niya.”

 

Oo nga naman why not.

 

Samantala, may post si Jodi sa kanyang Instagram account ng larawang kamay niya na nasa beach.

 

Ang caption ni Jodi, “Loving is a choice. It’s not all about enjoyment but takes sacrifice and maturity Choosing to love someone means you understand that they will have faults.

 

“There’ll be tough times for sure but if your love is true and strong you will conquer it all.

 

“Choosing to love someone is not an easy task. It involves assessing and seeing what changes you need to make to help each other grow.

 

“When you love, you journey with that person, it will require tons of patience and understanding and some adjustments, it may test you but in the end you will find it is worth everything.

 

“Love is the most important thing we can share with someone,” aniya pa na may hashtag na #munimunimode.

 

Sana sa susunod na post nina Raymart at Jodi magkasama na sila, he, he he.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …