Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Egyptian national nagwala sa Maynila

ARESTADO ang isang Egyptian national nang magwala at magbasag ng salamin sa tinutu­­luyang unit sa isang condominium sa Malate, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Mouatssem Bellah Hassan Mohamed, 38, nanunuluyan sa Unit 15D-2 , 15 floor Legaspi Tower na matatagpuan sa kahabaan ng  P. Ocampo St., Malate, Maynila.

Sa ulat, inireklamo ang suspek ng kinatawan ng Legaspi Tower dahil sa pagsigaw na nakabu­bulahaw sa katabing unit owner.

Bukod dito, binasag ng suspek ang salamin na bintana ng kanyang unit saka inihagis sa kalsada ng P. Ocampo kung saan maraming dumaraan na tao at mga sasakyan.

Dumating ang kaibigan ng suspek na si Nabil Amer, residente sa 808A Alpha Grand View Condominium, MH Del Pilar St., Malate, Maynila at nakiusap sa mga awtoridad na kanyang kakausapin at papa­yapain ang kaibigang suspek.

Habang naghihintay sa lobby ng condo­minium ang mga awto­ridad kasama nang bumaba ng unit ni Amer ang suspek ngunit nag­tangka itong tumakas nang makita ang mga pulis. Sasampahan si Amer ng patong-patong na kaso piskalya. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …