Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte panatag kay Cayetano

KONTENTO si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagganap ni Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng Mababang Kapulungan, ayon kay Presidential Spokes­person Harry Roque.

Dagdag niya, tila hindi napapanahon ang pagpapalit ng liderato sa Kongreso lalo kung mapupunta lamang ito sa mga baguhan at walang sapat na karanasan at track record.

“Ang katotohanan po, and I speak for the President, wala pong frustrations si Presidente kay Speaker Cayetano. In fact, sinabi rin po niya na ‘Talagang close ako kay Alan,” wika ni Roque sa isang panayam sa Mindavote, isang online outlet.

Ayon kay Roque, masaya ang Pangulo dahil sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano ay mabilis na naipasa ang pambansang budget para sa taon 2020.

Mabilis din aniya ang aksiyon ni Cayetano sa pagpasa sa mga batas tulad ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na kinakailangan para labanan ang CoVid-19.

Maging ang mga revenue-generating at tax reform bills na prayoridad ng Pangulo ay mabilis na naaksiyonan ng Mababang Kapulungan, dagdag ni Roque.

“Kung ikaw ay Presidente at natikman mo na kung paano ang nangyari ‘yung isang taon na iba ang Speaker at hindi naipasa ang budget, at nagkaroon tayo ng reenacted budget na naging dahilan kung bakit humina ang paglaki ng ekonomiya, siyempre mabibigyan mo ng importansiya ‘yung nakaka-deliver sa pangangailangan ng administrasyon,” wika niya.

Matatandaang nag­karoon ng hindi ina­asahang pagkaantala sa pagpapatupad ng 2019 National Budget dahil sa mga realignment na ginawa ng Mababang Kapulungan matapos ratipikahan ng Bicameral Conference Committee.

Nang tanungin siya tungkol sa opinyon ng Palasyo kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nakatakdang pumalit kay Cayetano sa ilalim ng kanilang term-sharing agreement, sinabi ni Roque na maaaring magkaroon ng problema si Velasco dahil sa kakulangan nito ng karanasan at hindi sapat na track record, lalo na’t kinakailangan ito upang makagawa ng pag­kakasunduan sa mga miyembro ng Kongreso.

Ayon kay Roque, tila hindi rin gaanong kilala ng Pangulo si Velasco, lalo na noong nag-uumpisa pa lamang ang termino nito.

“Kung wala kang ganyang experience kung paano makabubuo ng consensus, e mahihirapan,” sabi niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …