Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Barretto, sinipa na sa Cara y Cruz (lumipat na kasi sa Viva Artist Agency)

NOONG nakaraang linggo pa namin idinaan sa blind item na isinulat namin dito sa Hataw ang tungkol sa aktres na basta na lang umalis sa talent management kung saan siya nagsimula at lumipat sa ibang manager.

Hindi namin pinangalanan pa ang aktres dahil habang isinusulat pa namin ang balitang iyon ay kasalukuyan silang may emergency meeting at wala kaming malinaw na detalye pa.

At nitong Sabado lang ng gabi ay nalaman namin ang ilang detalye tungkol sa bida ng aming blind item, si Julia Barretto.

Nagsimula ng mag-taping ang teleseryeng Cara Y Cruz nitong Sabado at lock in sila somewhere in Quezon City at nalaman naming hindi na isinama si Julia sa show.

Ang nabanggit na dahilan sa main ay dahil last minute nagsabi si Julia na pumirma na siya sa Viva Artist Agency.

Ilang araw bago ang schedule ng lock in taping ng Cara Y Cruz ay sinabihan ang lahat ng artistang kasama at dito lang nabanggit ni Julia na ang Viva na ang magpapatakbo ng karera niya bagay na ikinagulat ng lahat dahil bakit biglaan.

Simula pa noong 2006 ay nasa Star Magic na si Julia na ibig sabihin ay 14 years na siyang alaga ng ABS-CBN pero kahit na sarado na ngayon ang nasabing network ay hindi pa rin nila pinabayaan ang aktres dahil may mga project na ibinigay sa kanya na mapapa­nood sa online platforms.

Na­bang­git din sa amin ng aming source na nagulat ang Star Magic sa biglaang desisyon ni Julia pero sabi naman ng kampo ng dalaga ay nagpasabi na siya noon sa SM na baka hindi lang ito nabigyan ng pansin dahil nga sa nangyari sa ABS-CBN.

Nagkaroon ng meeting para ayusin pa kung ano ang dapat pero huli na dahil pumirma na ang aktres sa kompanya ni Boss Vic del Rosario.

Si Julia ang bida sa Cara Y Cruz pero dahil wala na siya ay ini-revise ang script. Nabanggit pang hindi naman puwedeng ipagpaliban ang taping dahil naka-book na ang location at iba pa.

Nagtanong kami sa Star Magic tungkol kay Julia pero wala kaming nakuhang sagot kundi, ”wala po kaming alam, hindi ko po masasagot ang tanong ninyo.”

Bukas ang pahinang ito para kina Julia at Viva Artist Agency.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …