Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja Salvador, tumawid na ng TV5 

TOTOO nga ang tsismis, nasa TV5 na si Maja Salvador!

 

Nang unang pumutok ang balitang kasama si Maja sa Sunday show ng TV5 na mismong si Mr. Johnny Manahan ang producer at director ay kaagad kaming nagpadala ng mensahe sa kanya thru Instagram pero hindi kami sinagot gayundin ang handler niya sa Star Magic.

 

Marahil ay kasalukuyang nasa pag-uusap ang magkabilang kampo ng Star Magic honcho na nangangalaga sa karera ng aktres at ang TV5 management.

 

Pero may pahiwatig na ang aktres sa ipinost niyang larawan na nakatingin sa malaking butas na puro sanga at dahon sa kanyang IG isang linggo na ang nakararaan na ang caption ay, “Everyday is a new beginning 100%.”

 

At ang final answer sa ipinost ni Maja nitong Martes ng hapon ang larawang white beach sand at ang kalangitan na rainbow ang kulay at may bundok sa ‘di kalayuan.

 

Ang caption ni Maja, “Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN. 


“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. MR.M kaya sana ‘wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma.


“Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.”

 

Sa totoo lang, apat palang ang nabasa naming Star Magic artists ang nagsabing gagawa muna sila ng programa sa ibang TV network, pero sa puso nila ay hindi pa rin nawawala ang ABS-CBN, ito’y sina Pokwang, Ria Atayde, Vina Morales, at si Maja.

 

Ang mga nabanggit na pangalan ay sa Star Magic pa rin nakikipag-negotiate ang mga gustong kunin ang serbisyo nila na para sa amin ay magandang tingnan dahil tumatanaw sila ng utang na loob sa network na nagpasikat sa kanila, unlike sa ibang artista na ilang buwan palang ang nakalilipas mula nang ipasara ang ABS-CBN ay naghanap na ng ibang managers.

 

Anyway, habang isinusulat namin ang balitang ito ay umabot naman sa 80k plus ang nag-like/love sa desisyong ito ng aktres at narito ang ilang komentong nabasa naming suportado nila si Maja.

 

Mula kay @lykavtapero, “Mas nakakalungkot pala pag big stars na ang lalabas sa ibang network. But I know you will always go back to your HOME. Will still support you no matter what.”

 

Sabi naman ni @casooy, “we’ll always be here to support you and all other Kapamilyas Maj. All Star magic artists. All of you been molded to be the best and in demand artist in the industy. So wherever their paths be ABSCBN will always be your home. That would never change! #foreverkapamilya.”

 

Gayundin si @hope_sillona, “You are too kind. It’s good to hear it from you first much love and respect to you. I’m one of your many silent supporters and will support you ALL the way. God bless you always.”

 

At si @habibty_angela, “You are a very talented artist. You can even do anything on the stage. Plus, an award winning actress. Any network would be lucky to have you. We will support you all the way.”

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …