Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kilalang aktres, nagsiguro; manager, iniwan

ISA sa mga araw na ito ay puputok na ang balita tungkol sa kilalang aktres na nagbago na ng management company na ikinabigla ng dating may hawak sa kanya dahil tila hindi sila nasabihan o o nasabihan pero hindi pinansin.
Kasalukuyang may ginagawang teleserye ang kilalang aktres at nagulat na lang ang mga taga-production nang sabihan sila ng handler ng kilalang aktres na lahat ng nangyayari o pagbabago at mga kakailanganin niya sa serye ay ipaalam sa bago nitong management.
Bakit daw biglaan at walang sabi-sabi na may bago na palang manager ang kilalang aktres? Kaya kaagad tinawagan ang dating namamahala sa karera niya at nagkaroon ng emergency meeting na hanggang sa ngayon ay wala pa kaming balita kung ano ang nangyari.
Masasabing isa ang kilalang aktres sa prime artist ng TV network pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagpaka-siguro siya ng bagong management na hindi niya alam ay sa nasabing network din naman humihingi ng project ang management para sa mga talent nila.
Anyway, abangan ang mga susunod na kabanata tungkol sa aktres kung ano ang updates. (Reggee Bonoan)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …