Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jay Sonza, binawi bintang na buntis si Julia Barretto

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay binawi na ng broadcaster na si Jay Sonza ang sinabi niyang buntis si Julia Barretto sa kanyang Facebook page nitong Lunes.
Mariing itinanggi ni Julia na buntis siya at Lunes ng gabi, 7:00 P.m. ay nag-post siya ng larawang naka-Indian seat pose sa kama niya na naka-sports bra and white soft pants at sadyang ipinakita na flat ang tummy niya.
Aniya, “fake news.”
Sa FB post naman ni Jay:
Hindi ako buntis. – julia
Hindi buntis ang anak ko.
-marjorie
May umamin kasi.
Kaya nagalak ako.
 
Kung ganoon po, binabawi ko ang aking masayang pagbati.
Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayan ng Buhay.
 
Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations.
Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila.
Maraming tagahanga si Jay dahil kinampihan siya na kung wala raw aamin ay hindi naman magpo-post ang broadcaster.
Anyway, tulad ni Julia ay nag-post din ng ‘Fake News’ sa parehong oras si Gerald Anderson, sinasabing ama ng ipinagbubuntis ng dalaga
Sa Instagram Stories ni Gerald ay sinabi niyang, “Congratulations to me.”
Pero sa IG ay ipinost ni Gerald ang video ng training nila ng teleseryeng A Soldier’s Heart na ang caption ay Fake News.
Caption ng aktor, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng FAKE NEWS. Akala ko magiging FAKE NEWS din ang a soldier’s heart.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …