Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica kaya bang magpayo sa ex-BF? — Hindi no! Ano siya, sinusuwerte?

Sa #AskAngelica digital show ni Angelica Panganiban handog ng Star Cinema na ang concept ay nagbibigay siya ng payo/suhestiyon sa mga tao, natanong ang aktres kung may insidenteng nilapitan siya ng naka-relasyon ng ex-boyfriend niya para hingan ng payo o kaya ba niyang magbigay ng payo?

 “Hindi no! Ano siya, sinusuwerte?” tila nagulat na sagot ni Angelica sabay tawa.

Sabay sabing, “Ayusin nila ‘yun! Figure out niya kung paano. Kaniyang kanya na ‘yon! ‘Wag niyo akong isali, ang kakapal ng mukha! Ano to?”

Pero totoo nga, may nagtanong pala kay Angge na ex-girlfriend ng ex-boyfriend niya na tinanong siya kung paano siya naka-move on.

 “Well mayroong nag-attempt! Pero, hiwalay na sila. Parang tinanong lang ako kung paano ako naka-move on.

“’Ha? Talaga ba?’ Though hindi naman kami nagkaroon ng problem ng girl na ‘to, I mean naging sila, out of the picture na talaga kami.

 “So, nag-reach out lang, ako, wirdong-wirdo na parang ‘okay?’ Ako naman, naawa. Pero ‘pag naman hiwalay na, siguro ‘yon, okay lang na parang ‘okay lang ‘yan, naku, makaka-move on ka rin’ sabi ko sa kanya,” pahayag ni Angelica.

Interesting ang digital show na ito ni Angge at tiyak na maraming makare-relate sa mga kuwento at payo niya kaya abangan sa Setyembre 25 ang #AskAngelica sa social media platforms ng ABS-CBN FilmsYouTube channel ng Sinehub, MyChos at iba pa.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …