Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, dinagdagan pa ng P1-M ang P5-M tulong sa jeepney drivers

NANG mamahagi ng ayuda si Willie Revillame sa mga kababayang jeepney driver na nawalan ng kita dahil sa Covid-19 pandemic ay nangako siyang magbibigay ng P5-M para sa kanila.

At nangyari nga ito sa opisina ng LTFRB na si Willie mismo ang pumunta noong Agosto 20 para personal na iabot sa mga kababayan nitong tsuper

Pero hindi pala sapat dahil nalaman ng staff ni Willie na marami pang ibang grupo ang hindi nakatanggap dahil hindi kompleto ang listahang ibinigay sa kanya base na rin sa hinaing ng mga ito.

Kaya nangako ang Wowowin host na muli siyang magbibigay sa mga hindi nakatanggap at nangyari na nga dahil muli siyang nagpaluwal ng P1-M at ipinagdiinan niya na hindi siya tumutulong para magyabang.

”Hindi ako tumutulong para magpasikat. Tumutulong ako dahil kailangan natin silang tulungan sa hirap ng buhay, lalong-lalo na ho ‘yung mga taong kapuspalad. ‘Yun ang pinakamaganda.

“Masarap matulog mamaya kapag may natutulungan. ‘Yun lang naman. Thank you Lord, ginagamit niyo itong programang ito para sa ating mga kababayan.

“Hangga’t may mga taong may ginintuang puso, huwag kayo mag-alala. Maraming tutulong sa ‘yo. Sa mga taong tumutulong, nakikita man o hindi nakikita, we salute you at salamat sa inyo ha,” saad ng TV host.

At sa darating na Disyembre ay plano ni Willie na tulungan ang mga OFW na hindi makakapagpadala sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas dahil dinaranas na hirap ngayon sa ibang bansa dala ng pandemya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …