Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN, wagi ng Silver Stevie Award

KINILALA sa ibayong dagat ang mabilis at may malasakit na pag-aksiyon ng ABS-CBN para matulungan ang mga Filipino sa panahon ng pandemya sa kabila ng mga hinaharap nitong hamon kaugnay sa prangkisa.

Nagwagi ng Silver Stevie® award para sa Most Valuable Corporate Response ang Kapamilya Network sa 17th International Business Awards® (IBA), na magdaraos ng isang virtual ceremony sa Disyembre.

Pinuri ang ABS-CBN ng mga judge sa IBA dahil sa iba-iba nitong atake para mapaglingkuran ang mga Filipino sa panahon ng krisis dulot ng Covid-19. Sabi ng isa, kahanga-hanga ang dedikasyon ng kompanya sa komunidad. Dagdag pa ng isang judge, nakamamangha na nakatutulong pa ang network sa nangangailangan habang patuloy din itong nagbibigay ng trabaho at naghahatid ng balita sa publiko.

Bukod sa balita, hinandugan din ng ABS-CBN ang mga 70 milyong manonood nito ng mga mga programang puno ng inspirasyon sa iba’t ibang media platforms. Tinulungan din nito ang gobyerno ipaliwanag sa madla ang Covid-19 sa pamamagitan ng Ligtas Pilipinas sa Covid-19 information campaign.

Malaki rin ang naiambag ng Pantawid ng Pag-Ibig ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation, na ang network ang nagbigay ng unang donasyon na P50-M. Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor, umabot na sa mahigit P448-M salapi at produkto ang nalikom ng Pantawid noong Agosto 14, habang lampas sa 880,000 pamilya naman ang nagbenepisyo rito. Bahagi ng proyekto ang isinagawang digital concert tampok ang mahigit 100 celebrities mula sa ABS-CBN na humamig ng 3.7 milyong views sa iba-ibang digital platforms.

Binigyang puri rin ang ginawang pangangalaga ng network sa mga manggagawa at artista nito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng safety protocols at work-from-home schemes, at patuloy na pagpapasuweldo at pagbibigay ng mga benepisyo habang naka-quarantine.

Ang IBA o Stevie Awards ay itinuturing na pinaka-prestihiyosong business awards sa mundo na kumikilala sa tagumpay at kontribusyon ng mga kompanya sa buong mundo. Noong 2014, ginawaran din ang ABS-CBN ng People’s Choice Stevie Award for Favorite Company at Gold Stevie Award Company of the Year sa Media & Entertainment category ng IBA, at maging Grand Stevie Award at Gold Stevie Award sa Services Company of the Year category sa Asia Pacific Stevie Awards.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …