Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DepEd Money

Dagdag na allowances, supplies ng teachers isinusulong ni Gatchalian

IMINUNGKAHI ni Senate committee on basic education Chair Sherwin Gatchalian na ibuhos sa digital e-learning para sa mga guro ang pondo na nakalaan para sa kanila sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

Mas kailangan aniya ng mga guro na bumili ng kanilang gadgets, load, at data plan para maturuan ang kanilang mga estudyante.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, P4 bilyon ang nakalaan para sa digital education, information, technology, digital infrastructure, at learning modalities.

Ngunit sa kasalukuyan ay iniisip umano ng Department of Education (DepEd) kung saan gagamitin ang pondo.

Isinusulong ni Gatchalian at iba pang senador ang panukala na magdadagdag ng allowances at mga supplies na kailangan ng mga guro ngunit hinihintay na maisapinal ng kapulungan kung magkano ang idaragdag sa P3,500 na kasalukuyang natatanggap ng mga guro taon-taon.

Ayon sa DepEd, ang bawat guro ay makatatanggap din ng iba’t ibang benefits tulad ng P500 para sa annual medical examination, P500 hazard pay, P500 kada araw sa pagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) maging ang P1,000 incentives tuwing World Teacher’s Day. (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …