KAYA pala hindi makalimutan ni Joshua Garcia ang ex-girlfriend niyang si Julia Barreto ay dahil pawang magagandang bagay ang naituro sa kanya tulad ng pagkakahilig nito sa libro.
Sa nakaraang virtual mediacon ng Kapamilya Online show na Love Unlock, E-numan episode ng dalawa ay nabanggit ng aktor na sa panahon ng lockdown ay wala siyang ginawa kundi magbasa ng iba’t ibang klase ng libro at nae-enjoy niya ito.
Pero hindi naitanong kung sino ang nag-engganyo sa kanyang magbasa ng libro at sa panayam ni Joshua sa Cinema News At Home Edition ay nabanggit niya ang pangalan ni Julia na ang payo sa kanya ay magbasa siya ng libro kapag wala siyang ginagawa o libreng oras.
“Noong kami pa ni Julia dati, nagpupunta kami sa mga store ng libro, namimili ng mga libro. Pero ‘di ko binabasa, bili lang ako ng bili.
“Yung pagkahilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa nanay ko, iyong hindi pagbabasa ng libro, sa Tatay ko,” say ng binata.
Dagdag pa, “Ang dami kong binili before. Kinuha ng mama ko iyong iba. Iyong natira, kaunti na lang.”
Aminado rin si Joshua na naging productive siya simula nang magbasa ng libro at malaki ang naitulong nito sa kanya sa panahon ng quarantine dahil sa Covid-19 pandemic.
Kuwento ng aktor, “Tinapos ko iyong about sa ‘Broken,’ poem siya. Natapos ko na rin ‘Secret Life of Introverts.’ Natapos ko rin iyong ‘The Creative Curve.’
“Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before ‘di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin non-fiction. Binabasa ko ‘You’re A Bad Ass.’
“Gino-goal ko ngayon sa isang araw para maging productive lang ako, at least maka-40-50 pages ako. Iyon ang goal ko.
“Ipiinapaalala ko sa sarili ko, hindi ako nag-aaral. Feeling ko kapag nagbasa-basa ako, nakatutulong sa work ko, mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakatutulong naman.”
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan