Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

FPJ’s Ang Probinsyano, tadtad ng ads; Taping, mas hinigpitan

ILANG beses na naming naisulat na dire-diretso pa rin ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at katunayan, balik taping na sila ngayong Setyembre kaya hindi totoo ‘yung tsikang patapos na dahil ang ilang cast ay may offers sa TV5.

 

Inamin ni Yassi Pressman sa panayam niya sa Cinema News na mas mahigpit ang pagpapatupad sa kanila ng safety protocol na bago sila mag-taping ay naka-14 days quarantine sila at saka isa-swab test. At pagkatapos ulit ng taping ay quarantine ulit sila para pagbalik nila sa kanilang mga bahay ay safe ang pamilya nila.

 

Kuwento ni Yassi, “Napakarami rin po naming mga marshall at mga nagbabantay para siguraduhin na wala pong ibang makakapasok na hindi kasama ng staff, crew at ng mga artist. We feel very safe na po sa pagbabalik.”

 

Okay naman iyon na maghigpit ng sobra dahil may trabaho sila sa panahon ng pandemic.

 “I feel really blessed and still very, very thankful and grateful na may trabaho pa rin po kami despite the situation.

 

“Kaya mahal na mahal po namin ang network at ang show na ito dahil patuloy ang pagsisikap para siguraduhing ligtas kaming lahat na magkaroon pa rin po kami ng pagkakataon na in the service of the Filipino.”

 

Samantala, medyo naiinis ‘yung ibang nanonood ng Probinsyano dahil tadtad ng ads ito kaya ‘yung minutong itinatakbo ng programa ay halos 20 minutos na lang.

 

Sabi namin na ibig sabihin niyon kahit sa YouTube, iWantTFC, Kapamilya Online at iba pang Kapamilya channel napapanood ang programa nina Coco Martin ay sinusundan pa rin sila.

 

Sabi nga ng kilalang vlogger, ‘mas dumami nga views ng shows ng ABS (CBN) noong nasa online sila.’

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …