NAGKASUNDO ang lahat ng Metro mayors na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa kanilang nasasakupan sa panahon ng Undas.
Ayon kay Metro Manila Council Chairman, at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez batay sa napagkasunduan ng mga alkalde sa buong Metro Manila, isasara ang mga sementeryo simula 29 Oktubre hanggang 4 Nobyembre.
Layon nitong matiyak na hindi daragsa sa mga sementeryo ang publiko sa panahon ng Undas para maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19.
Ayon kay Olivarez, hinihikayat ang publiko na gawin ang pagdalaw simula sa panahong ito.
Patuloy din ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga sementeryo sa Metro Manila na nakasailalim pa rin sa general community quarantine (GCQ). (JAJA GARCIA)