Saturday , November 16 2024

Sariling kamay pinutol ng dalaga para makakolekta ng insurance

MARAHIL ay mayroon na kayong nabalitaang kuwento na katulad nito, ngunit kamangha-mangha pa rin malaman na may mga taong handang gawin ang nakakikilabot para lamang magkaroon ng pera.

Sa bansang Slovenia sa Central Europe, isang babae ang nilagari ang sariling kamay para makakolekta ng insurance ngunit imbes makuha ng benepisyo ay nabuking ang kanyang ginawa kaya inaresto siya ng mga awtoridad at hinatulan sa korte ng Ljubljana na mabilanggo ng dalawang taon.

 

Ayon sa inisyal na mga ulat, inakusahan ang 22-anyos na si Julija Adlesic sa paggamit ng isang circular saw para putulin ang kanyang kamay mula sa kanyang kaliwang pulso noong 2018.

 

Kumuha pala ang nahatulan ng mga insurance policy sa limang kompanya bago naganap ang pamumutol at tatanggap sana siya ng mahigit isang milyong dolyar o US$1.2 milyon bilang payout sa pinalabas niyang aksidente.

 

Dangan nga lang ay napatunayan ng mga awtoridad na hindi siya naaksidente kundi isa pa lang attempted insurance fraud ang tangka ng dalaga, ayon sa ulat ng Sky News.

 

Hinatulan din ang kasintahan ni Adlesic ng tatlong taong pagkabilanggo at isang taon suspended sentence para sa ama ng lalaki na kinasabwat ng babae.

 

Sa pahayag nila sa korte, isinalaysay ng magkasintahan na aksidenteng naputol ang kamay ng suspek habang nagpuputol ng mga sanga sa kanyang tahanan sa kapitolyo ng Slovenia. Iniwan ng dalawa ang naputol na kamay nang magtungo sila sa ospital para mabigyan ng lunas ang babae.

 

Isang araw bago ang aksidente, nag-internet search ang boyfriend ni Adlesic ukol sa mga prosthetic hand, na tinukoy ng mga prosecutor na ebidensiya. Sinadya ang pagputol ng kamay ng dalaga.

 

Sinabi ng magkasintahan, iniwan nila ang kamay ngunit na-recover din at muling ikinabit kay Adlesic.

 

Matapos mahatulan ng fraud, pinagmatigasan ni Adlesic na siya’y inosente: “No one wants to be crippled. My youth has been destroyed. I lost my hand at the age of 20. Only I know how it happened.”

(Kinalap ni Tracy Cabrera)

 

 

 

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *