Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. M, tatapatan ang It’s Showtime at ASAP Natin ‘To (Bagong shows sa TV5, niluluto na)

NASULAT na nitong Lunes na maraming Kapamilya stars ang may mga show sa TV5 tulad nina Piolo Pascual, Sue Ramirez, Yen Santos, at Dimples Romana na nasa pangangalaga pa rin ng Star Magic kaya may mga nagulat at nagtanong sa amin kung pinayagan sila.

 

Sinabi namin na baka naman dahil nabanggit na rati ng head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan na may mga pag-uusap na nagaganap sa ibang network para mabigyan ng trabaho ang mga artista nila.

 

At nauna na nga sa TV5 sina Pokwang at Ria Atayde sa programang Chika Besh tuwing umaga, mula Lunes hanggang Biyernes.

 

Bukod sa mga nabanggit ay kabilang din sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Wacky Kiray Ariel UrietaGloria Diaz, Beauty Gonzales, at RK Bagatsing na mapapanood din sa Kapatid Network.

 

Ang Kapamilya directors na sina Mr. M, Dan Villegas, at Bobot Mortiz ay magdidirehe na rin ng mga programa sa TV5.

 

Ayon sa sulat ng Presidente at CEO ng Brightlight Productions na si dating Congressman Albee Benitez sa mga advertiser na nakakuha ng kopya ang ABS-CBN, nabanggit niya na ang mga pangalan ng artistang ito ay magbibida sa mga programang ipo-produce niya.

 

Ang noontime show na Laugh Out Loud ay si Manahan ang producer at sina Billy, Alex, K Brosas, at Wacky Kiray ang host na makakatapat ng It’s Showtime.

 

Mapapanood din ang Rated Korina ni Korina Sanchez sa Kapatid Network.

 

Sina Ian, Dimples, Sue, Ariel, at Gloria naman ang bibida sa Oh My Dad na ididirehe ni Jeffrey Jeturian (direktor ng Be Careful with my Heart/Pamilya Ko).

 

Sina Piolo at Catriona Gray naman ang pangunahing host sa Sunday noontime variety show na ididirehe pa rin ni Mr. Manahan na posibleng makatapat ng ASAP Natin ‘To.

 

Ang rom-com TV series na I Got You na programa nina Beauty, Yen, at RK ay ididirehe ni Dan Villegas. At si direk Edgar ang magdidirehe ng sitcom na Sunday Kada Kada Sunday.

 

Anyway, may mga nakausap kaming TV executive na ito ang dream cast ng Brightlight Productions, pero hangga’t hindi pa nagte-taping ay ‘di pa tiyak kung tuloy ang mga artistang nabanggit.

 

Sa madaling salita, abangan ang anunsiyo ng TV5.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …