Monday , December 23 2024

Pista ng Pelikulang Pilipino, tuloy

SA ginanap na virtual mediacon ng #SineSandaanNext100 ni Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra, naikuwento niya ang mga project ng ahensiya sa pagtatapos ng SineSandaan ngayong Setyembre.

May 16 major activities ang FDCP at ang una ay ang opening ng SineSandaan The Next 100 today. Bonggang selebrasyon ito para sa pagtatapos ng Philippine Cinema Centennial.

Ikalawa ang Film Industry Conference at Workshop Series Online 2020 in cooperation with Filmlab and Full Circle Lab.

Ikatlo ang Special Master Class Series, ang CreatePHFilms na magbibigay ng cash ang FDCP mula P200K to P5-M para sa iba’t ibang klase ng paggawa ng pelikula na kapos sa budget. Tutulungan sila ng nasabing ahensiya.

At ang National Registry Website and Mobile App na listahan ng lahat ng workers sa industry including the entertainment press.

At kahit sarado pa rin ang mga sinehan ay tuloy ang ikaapat na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa Oktubre na sa online ito mapapanood ng publiko.

Ayon kay chair Liza, “Online siya, pero it’s going to be in the FDCP platform. We created an exclusive platform for PPP 2020.”

Tuloy-tuloy pa rin ang paggawa ng pelikulang Filipino sa kabila ng pandemya.

“We need local content. Ayaw nating masanay sila sa K-drama o puro foreign films ang napapanood nila.

“All the more na dapat tayong maging masigasig na makakapagpalabas tayo ng Filipino films, kasi nandiyan sila sa mga bahay nila.

“As long as the spirit is there, naniniwala ako na the production sees the value and they see FDCP as an ally to make this happen para sa ating mga manonood.”

Nakipag-cooperate rin ang film producers kasama ang mga miyembro ng PMPPA o Philippine Motion Pictures Producers Association.

Star-studded ang Sine Sandaan: The Next 100 virtual concert sa September 30.

“To officially close the Philippine Cinema Centennial, FDCP will host and stream Sine Sandaan: The Next 100, a two-hour virtual event that encapsulates our aspirations for the future of Philippine Cinema.”

Ang mga performer ay sina Lani Misalucha, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, The Company, Acapelago, Robert Seña, at Isay Alvarez.

Nabanggit ding nagsanib-puwersa ang FDCP at The Manila Times Broadcasting Corporation (TMT) para sa online movie streaming platform na Sine Sandaan on The Manila Times TV. Mag-uumpisa ito sa Setyembre 18, Biyernes at tatagal ng 13 linggo.

Mapapanood ng Cinephiles saan mang panig ng mundo ang mga pelikulang Ang Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro (directed by Sigfreid Barros Sanchez), Bahay ng Lagim (Celso Ad. Castillo), at Sigaw sa Hating Gabi (Romy Suzara).

Bahagi ang mga ito ng “Spotlight” section, at libre sa The Manila Times TV.

Budget-friendly ang classics sa “Masters” section na kabilang ang Maynila sa Kuko ng Liwanag (Lino Brocka), Pagdating sa Dulo (Ishmael Bernal), at Genghis Khan (Manuel Conde).

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *