Saturday , November 16 2024

Binata nag-selfie pa bago nagbigti

NAGAWA pang mag-selfie ng isang binata bago nagbigti sa Quezon City, nitong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 5:00 pm, 13 Setyembre, nang  madiskubre ang pagbibigti ng biktimang si Levie Estrada, Jr., 32, binata,  construction worker, sa loob ng kanilang tahanan sa  Block 5, Lot 1, Philip North Point Subdivision, Barangay San Bartolome, Novaliches, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Rodney Bay-os, nagtungo ang saksing si Reynaldo Alamid sa tahanan ng biktima upang tanungin kung tapos na ang kaniyang  ipinagagawang cabinet.

Nakailang beses kumatok si Alamid  ngunit walang sumasagot kaya napagpasiyahan niyang pumasok sa loob.

Laking gulat niya nang makita ang naka­bigting katawan ng biktima sa hagdanan na may nakapulupot na telephone cord sa leeg.

Agad niyang ipinag­bigay alam ang insidente sa nakasasakop na barangay at isinugod ang biktima sa Novaliches District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Dennis Ching.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubre mula sa  cellphone na kinu­haan pa ng biktima ang gina­wang paghahanda  sa isasagawang pag­bibigti.

Nakita ang isang mensahe sa social media na  nagawa pang mag­paalam ni Estrada sa kaniyang nobya kalakip ang isang retrato o ‘selfie’ nito. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *