Saturday , December 21 2024

Bakuna kontra polio inilarga sa Pampanga

UMABOT sa 28,849 batang Fernandino ang napatakan ng bakuna kontra Polio sa unang bugso ng “Sabayang Patak Kontra Polio” sa tulong ng health workers na walang pagod na umikot sa mga kabahayan nitong buwan ng Agosto 2020.

Ayon kay Dr. Irish Rose Muñoz, tagapamahala ng Expanded Program on Immunization, target ngayon ang 36,069 kabataang Fernandinong may edad 0 hanggang 59 buwan na kabilang sa eligible population na magsisimula sa 14-27 Setyembre bilang ikalawang bugso.

Mahalaga umano ang bakuna upang maiwasan ang sakit na Polio, oras na hindi mabakunahan ang bata at nagkaroon ng Polio ay maaari itong humantong sa pagkaparalisa, hirap sa paghinga, at kamatayan.

Sinabi ni Dr. Renely Tungol, OIC ng City Health Office at City Infectious Cluster Program Manager, ligtas ang bakuna kontra Polio dahil aprobado ito ng Department of Health at World Health Organization (WHO).

Ito ang oral polio vaccine na ibinibigay sa mga bata, o bakunang ipinampatak o ipinadadaan sa bibig. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Makapili Vlogger

Makabagong makapili, trolls, vloggers tinira ni Barbers

KINONDENA ng isang kongresista mula sa Mindanao ang tinagurian nitong “Makabagong Makapili” o mga Pinoy …

Mary Jane Veloso

OFW Mary Jane Veloso nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang napiit na overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng 14 …

121924 Hataw Frontpage

Meralco franchise kapag ‘di naamyendahan
PRESYO NG KORYENTE SA PH SISIRIT PA

MAHIGPIT na nanawagan ang isang consumer rights advocate sa Senado na baguhin o amyendahan ang …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

121924 Hataw Frontpage

Sigaw ng labor at health workers  
HERBOSA SIBAKIN, PHILHEALTH SUBSIDY IBALIK

HATAW News Team ISANG malaking kilos protesta ang inilunsad ng isang koalisyon ng labor groups, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *