Saturday , November 16 2024
arrest prison

2 bebot, kelot arestado sa P.4-M shabu

NAKUHA sa dalawang babae at kasamang lalaki ang halos P400,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng awtoridad sa Parañaque City, kamakalawa.

 

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Col. Robin King Sarmiento ang mga suspek na sina Menandro Richardson, 40 anyos, binata; Jaren Guenthoer, 23 anyos, dalaga; at Ryza Gesate, 33, dalaga; pawang residente sa Silverio Compound, Purok 4, Barangay San Isidro sa nasabing lungsod.

 

Ayon sa ulat, nagkasa ng buy bust operation dakong 11:30 pm ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Anthony Alising, na ikinaaresto ng mga suspek sa Silverio Compound, Purok 5, Barangay San Isidro sa Parañaque City.

 

Nasamsam sa tatlo ang limang pakete ng 58 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P394,400 at P300 buy bust money na kanilang ikinadakip.

 

Dinala ang mga ebidensiya sa SPD Crime Laboratory upang suriin.

 

Nakakulong ang tatlo sa custodial facility ng pulisya at mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Parañaque Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *