Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pfizer walang gagawing clinical trials sa PH (Bakuna isu-supply)

WALANG maaasahang clinical trials dito sa Filipinas ang CoVid-19 vaccine na ini-develop ng kompanyang Pfizer sa Estados Unidos.

 

Kinompirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos makipag-usap ang pamahalaan sa mga opisyal ng kompanya, na nagsabing matatapos na ang kanilang Phase 3 clinical trials sa susunod na buwan.

 

“Walang commitments na nangyari pa. We just had to explain to them our regulatory processes. We were also able to provide them with the specific person para makakausap nila when they need anything with regard to this negotiation.”

 

Nagkapalitan na raw ng confidentiality data agreement ang dalawang bansa. Nilalaman nito ang kasunduan, mga detalye at safeguards sa manufacturer at populasyong gagamit ng bakuna.

 

Sa ngayon pinagtataya na ng Pfizer ang Filipinas kung gaano karami ang supply ng bakunang iaangkat ng estado.

 

“Ito ‘yung isang sinabi ni Secretary (Francisco) Duque na pag-uusapan ng mga ahensiya ng gobyerno kung paano ito gagawin dahil of course we have limitations tayo when it comes to pre-ordering of products yet because of RA 9184 (Government Procurement Reform Act).” (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Goitia BBM Audie Mongao

Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika May Tamang Lugar ang Pagtutol

Kapag ang isang aktibong opisyal ng militar tulad ni Audie A. Mongao ay hayagang nagbawi …

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …