Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DepEd Money

PERA ng public school teachers inihirit taasan ng kongresista

SA HIRAP ng ekonomiya, hinirit ni Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos na taasan ng P8,000 ang pinansiyal na tulong para sa mga pampublikong guro sa ilalim ng Personnel Economic Relief Allowance (PERA).

 

Ani Delos Santos, ito ay tugon sa kakulangan sa monthly income at living wage sa sambahayang may limang miyembro.

 

Sa House Bill 6329, o ang panukalang Act Increasing the PERA of Public School Teachers, sinabi ni Delos Santos na ang layunin ng panukala ay upang iangat ang pamumuhay at ayusin ang lugar ng nga guro.

 

Paliwanag ni Delos Santos, hindi sapat ang ibinigay na umento para sa Salary Grade 11 o Teacher 1 na sumasahod ngayon ng P22,316 kada buwan sa unang tranche ng pagtaas sa Salary Standardization Law (SSL).

 

Giit ni Delos Santos, mas mababa pa ito sa “approximate living wage of P30,270 per family of five.”

 

“Hence, it is proposed in the bill that the PERA granted to public school teachers must be increased to at least P8,000, an amount which would, at least, substantially cover the discrepancy,” ani Delos Santos.

 

“It has become necessary to grant the much-deserved increase in the benefits given to our public school teachers,” dagdag niya.

 

Aniya, pinag-iwanan ang mga guro sa pagtaas ng take-home pay ng mga uniformed personnel.

 

Sa kasalukuyan, may 965,660 regular employees ang Department of Education, at 805,000 nito ay mga guro habang 43,000 ay gumagawa ng mga teaching-related jobs.

 

“Kung maiaangat natin ang natatanggap na sahod ng ating mga guro kasabay ng pagtaas ng suweldo ng ibang kawani ng gobyerno at pag-akyat ng mga presyo ng mga bilihin, malaking ayuda po ito sa mga teacher lalo sa panahon ng pandemya. Malaking insentibo rin ito bilang malasakit sa kanila dahil mas dumoble ang kanilang trabaho dahil sa blended education,” ani Delos Santos. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …