“EVERY Filipino must wear a facemask, to protect themselves and to protect others,” ito ang panawagan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa mga kababayang Pinoy na ipinost niya sa kanyang Instagram account nitong Miyerkoles.
Pero dahil sa Covid-19 pandemic, marami ang nawalang ng trabaho at pagkakakitaan kaya hindi lahat ng Pinoy ay kayang makabili ng face mask bukod pa sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat tao.
Suportado ni Catriona ang isang charity project, ang Mask4AllPH.
Kuwento ng beauty queen, umabot sa P1.15-M ang nalikom na donasyon ng Mask4AllPH na bahagi pa rin ng Bayanihan Musikahan coalition na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap nating kababayan.
Post ni Catriona, “#Mask4AllPH, Thanks to your support, our ongoing initiative to provide both livelihood and free masks for the vulnerable sectors of our community has raised over Php1.15M and we have been able to pay wages to our 71 women seamstresses and produce more than 19,000 face mask.
“But we still need your support to continue to broaden our reach and help provide more jobs and free face masks to the community!
“Please visit www.mask4allPH.com for more info and also info on how to donate! Thank you!!! Stay Safe!!”
Hindi rin tumitigil ang dalaga sa mga programa ng Young Focus na tumutulong para sa mga mahihirap na pamilya ng Tondo at ang project nila ay makapagpatayo ng computer centers para sa mahihirap na estudyante roon bukod pa sa ipinamamahagi nitong bigas.
To date ay nahirang na bagong ambassadress ng Philippine Red Cross ang 2018 Miss Universe.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan