Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Aiko na si Marthena, ayaw nang magbuntis ang ina

AYAW na pala ng bunsong anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain na muli siyang magbuntis sakaling mag-asawa ulit siya kay Zambales Vice Governor Jay Khonghun.
Base sa panayam ni Aiko sa talent manager/producer/actor na si Ogie Diaz, “Ayaw na ni Marthena, pero puwede pa ako (magbuntis) kasi nagkakaroon pa ako kung gugustuhin ko, puwede pa.”
Paano kung gusto ni VG Jay na mag-anak sila? “Hindi namin inaawat ‘yung ganoon, kung darating blessing ‘yan hindi namin pinipigil pero kung wala, eh, ‘di wala.”
Dagdag pa, “pero nandoon kami sa usapan na gusto kong i-freeze ang egg cells ko para ‘pag dumating ‘yung time na gusto namin.”
Nabanggit din na pinag-uusapan na nina Aiko at VG Jay ang kasal.
May inaayos lang si Vice Gov sa side niya ‘pag naayos na ‘yun, hopefully.  Oh assuming ako, feeling ko magpo-propose siya sa akin, ay sandali lang, ha, ha, ha asumera ako?  Basta ako nandoon sa point na gusto kong mag-settle down, gusto kong magkaroon ng sariling pamilya, family to come home, too, may father figure ang mga anak ko na mauuwian,” pahayag ni Aiko.
Mabubuhay ba si Aiko ng walang love life? “Oo naman nabuhay naman ako pitong taon na wala. Kaya lang ipinagdasal ko na sana may dumating sa akin na magmamahal ng tapat, eh, timing dumating naman sa akin si Vice Gov, so hindi ko siya hinanap, hindi ko siya pinilit na mahalin ako. Dumating siya sa tamang panahon.”
Sabi pa, “ipinagdarasal ko na siya na, gusto ko siya na, pero siyempre hindi naman natin hawak ang buhay, kita mo ‘tong Covid ‘di ba? Sino ba naman nakakitang mangyayari ‘to?”
Samantala, malapit nang magbalik-taping si Aiko sa serye nilang Prima Donnas ngayong huling linggo ng Setyembre.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …