Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paolo Contis, ‘di na makapagtali ng sapatos sa katabaan

KARAMIHAN sa mga artista ngayon na panahon ng pandemya ay nagsilusugan kaya magugulat ka na lang kapag nag-post sila sa kanilang mga social media.

Pero ang iba ay conscious pa rin lalo na ‘yung may mga umeereng programa at ‘yung mga adik sa pag-e-exercise kaya napapanatili nila ang kanilang magandang pigura.

 

Isa na si Paolo Contis sa hindi vain sa hitsura niya kaya naman lumaki siya nang husto sa ilang buwang work from home.

 

Pero isang araw ay nagising na lang siya na kailangan na niyang tanggalin ang excess fats niya dahil dumating sa puntong hindi na niya maitali ang sintas ng sapatos niya kaya panay ang juicing niya.

 

Kuwento ni Paolo, “Ang hirap! Ako kasi kapag may trabaho lang, at saka lang ako magdiyeta. Kasi gusto ko mag-enjoy.

 

“Siyempre ngayong quarantine, kumakain ka na nga, ‘di ka pa gumagalaw. So, habang lumalaki ka, nagmamanas ka. ‘Yung paa ko nagmanas, eh. Sabi ko sandali kailangan ko na yata (mag-diet) at medyo may hingal na.”

 

Nabanggit ni Paolo na anim na araw siyang puro juicing lang at isang araw lang siya kakain, kumbaga cheat day niya.

 “So far I’m happy with my juicing. Ano ako eh, six days na juice, one day na break Naglalakad-lakad na rin ako ngayon at nagdya-jogging sa village.

 

“Para ano na rin, nahihirapan na ako magtali ng sapatos eh. It’s the health more than the physical, weight, and everything. Mas gusto ko siyempre healthy. Siyempre malaking panlaban mo ‘yan sa sakit, sa Covid, ‘di ba?” sabi pa.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …