Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Neil, ‘di type ang ipinagluluto siya ni Angel

HINDI pala type ni Neil Arce na ipinagluluto siya ng fiancée niyang si Angel Locsin dahil baka hindi siya masarapan, eh, maobliga siyang kainin ito. Ito ang inamin ng aktres sa panayam niya sa #Livewith G3 na naka-post sa YouTube channel.

Napag-usapan kasi nina G3 San Diego at Angel ang Korea dramang Only You na ginawan ng Pinoy version at leading man ng aktres dito si Sam Milby na dumayo pa sila ng Korea para sa shooting.

Sabi ni ‘Gel, natuto siyang magluto kahit paano dahil sa seryeng iyon kaya ang tanong sa kanya ay kung ipinagluluto niya ang fiancé niya.

Kuwento ng dalaga, “ayaw niya, eh!  Siya ‘yung nagsabing (‘wag na). Sinabi niya sa akin ‘yan noong umpisa palang. Siyempre pasikat ka (nagluto siya) sa umpisa gusto mong magluto. Hindi sa ayaw niya (ipagluto ko siya), paano kung hindi niya magustuhan, so obligado siyang tikman, so sabi niya’wag na lang’ so okay, sabi ko.

“Mayroon kaming cooking classes na pinupuntahan. Kasi kapag nagta-travel kami hindi naman kami ma-party, kasi nga business ni Neil ang bars, so ‘pag nagta-travel kami gusto naming matuto sa culture o something about to improve ourselves ‘di ba? Nag-a-attend kami ng mga cooking classes, ramen o pasta making, so game naman siya sa mga ganoon.”

Aminado si ‘Gel na mahilig siyang mag-aral tulad ng kinuha niyang short course ng fashion designing sa Europe, itong cooking lesson at iba pa.

“Kasi hindi naman natin alam ang lahat ng bagay kaya kailangan naming malaman kung ano ‘yung dapat nating i-improve sa mga sarili natin. Kung feeling mo empty ka sa part na ‘yun, eh, ‘di mag-aral ka hanggang sa matutuhan mo.

“Tulad niyan nag-aral ako ng fashion na hindi ko naman ginagawa, pero kapag may mga business meetings na may kinalaman sa designing, at least may knowledge pa rin ako roon hindi naman mawawala ‘yun,” paliwanag ng aktres.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …