Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bus wash challenge ni Ivana para kay Lloyd, naka-3.1M agad sa loob lamang ng 18 hours

MAY usapan pala sina Ivana Alawi at ang yumaong vlogger na si Lloyd Café Cadena. Ang aktres ay may 8.67M subscribers sa YouTube sa loob ng isang taon at si Lloyd ay may 8.6M subscribers sa dalawang account niya sa YouTube.

 

May vlog challenge pala sila pero hindi na ito nagawa ni Lloyd dahil inatake siya sa puso habang positibo sa Covid sanhi ng kanyang pagkamatay noong Biyernes, Setyembre 4 ng umaga.

 

Base sa kuwento ni Ivana, “Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na in-upload niya sa kaniyang channel. Ang request n’ya, mag-carwash kami ng Bus together.

 

“Nakalulungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka rito sa tabi ko itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka riyan sa heaven at masisiyahan ka rito.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.

 

“Hindi pa kita nami-meet personally or naka-collab. Pero alam ko mayroon kang napakabait na puso. Marami kang natulungan, napasaya, na-inspire.

 

“Kween LC isa ka sa pinaka original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.”

 

“REST IN PARADISE.”

 

At heto naka 3.1M views na kaagad sa loob ng 18 hours na in-upload ang Bus wash challenge ni Ivana pag-aari ng BGC Bus.

 

Mag-isa lang si Ivana sa venue na siya ng bus para sa safe protocols.

 

Sabi ng sexy actress, “PINASARA AT WALANG IBANG TAO ANG NASA AREA NA ITO KAYA NAKAPAG TANGGAL AKO NG MASK.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …