Sunday , December 22 2024

Banta ng PECO sa SC self-serving – Rep. Pimentel

PANSARILING interes ang tanging hangad ng mga opisyal ng Panay Electric Company (PECO)

sa kanilang ‘pagbabanta’ sa Korte Suprema na magiging ‘bad precedent’ sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng Kataas-taasang Hukuman sa power dispute sa Iloilo City ay papabor sa bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).

Ayon kay Deputy Speaker at Surigao del Sur representative Johnny Pimentel, walang basehan ang alegasyon ni PECO lead counsel Atty. Estrella Elamparo na ang judicial ruling ng SC na papabor sa More Power ay magbibigay ng lehitimasyon sa hostile takeovers ng mga kompanya at prankisa mula sa mga interesadong kompanya nang hindi kinakailangang magpakita ng kakayahan, expertise, o industrial history.

Ani Pimentel, hindi inalis ang serbisyo ng PECO bilang power supplier sa Iloilo para paboran ang isang bagong kompanya kaya walang katotohanan na mayroong hostile takeover bagkus inalis umano ang PECO dahil inayawan mismo ng mga consumer ang kanilang serbisyo.

“The opinion of PECO is self-serving because they still want to operate the electric utility but the truth of the matter is that it is the consumers who have been clamoring for another utility company because for several decades PECO has a very poor service and they have several pending cases because of complaints from the customers,” paliwanag ni Pimentel.

Giit ni Pimentel, nakita ng Kamara ang mga reklamo laban sa PECO, basehan kaya tinanggalan ito ng legislative franchise.

“I was always present during the hearings of the renewal of their franchise and I have thorough knowledge of their poor performance and several violations with the Energy Regulatory Commission (ERC),” dagdag ng mambabatas.

Nanindigan si Pimentel na hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kompanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay.

“I think the people deserves a better utility company than PECO who can really serve the needs of the people,” giit ni Pimentel.

Umaasa ang mambabatas na rerespetohin at kikilalanin ng SC ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa kung sino ang karapat-dapat bilang hurisdiksyon nito.

“We cannot pre-empt the decision of the Supreme Court but in my opinion just like in the case of ABS-CBN, the high court will rule in favor of More Power because its already moot and academic because PECO does not have a franchise to operate anymore,” paliwanag ni Pimentel.

Sakali umanong maging baliktad ang desisyon ng SC at pumabor sa PECO ay hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kompanya dahil hindi rin sila makapag-o-operate.

“The House of Representatives already denied the franchise including their request for reconsideration so even if they win the case how can they operate if they do not have a franchise however the franchise of More Power was approved,” pagtatapos ni Pimentel.

Matapos bawian ng prankisa ay una nang nagpasaklolo ang PECO sa Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 29, kung saan nakakuha sila ng paporableng desisyon, itinuring na unconstitutional ni Mandaluyong RTC Branch 29 Judge Monique Ignacio ang Sec. 10 at Sec 7 ng Republic Act 11212 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay ng prankisa at eminent domain sa More Power, gayonman, pinigil ng SC ang pagpapatupad ng kautusan ni Judge Ignacio at nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) pabor sa More Power.

Iniapela ng PECO sa SC ang naging kautusan at hinihiling na bawiin ang ipinalabas na TRO, ang nasabing mosyon ng PECO ang nakatakdang desisyonan ng SC sa darating na 8 Setyembre.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *