Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rufa Mae, tuloy sa pagpapagawa ng bahay kahit may pandemya

ANG taray ni Rufa Mae Quinto dahil habang pandemya pala ay ipinagagawa niya ang bahay niya rito sa Pilipinas.

Kasalukuyang nasa San Mateo, California USA si Rufa Mae kasama ang anak nila ni Trevor Magallanes dahil inabutan sila ng lockdown noong Marso. Ilang buwang walang byahe patungong Pilipinas ang mga arline company.

At habang nasa Amerika ay panay naman ang pasyal ng mag-anak na tila hindi apektado ng Covid-19 pandemic.  Hindi rin nalilimutan ng komedyana ang mag-ehersisyo sa garahe ng bahay nila.

Samantala, ipinasilip ni Rufa Mae ang bahay niya rito sa Pilipinas na malapit ng matapos

Ang caption ng video ni Rufa Mae sa IG account niya, ”Ito ‘yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic, nagpapagawa ako ng bahay habang andito ako sa malayong lugar sa America.

“Nandyan ‘yang lock down, stop close, open, ecq, mcq, gcq , etc pero sa awa ng Diyos , pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss pero wait wait Lang.  Todo na to! Go go goals God will provide amen.  Ito rin ‘yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas.” Kung hindi magbabago ang plano ay sa katapusan ng Setyembre o early week ng Oktubre ang balik nina Rufa Mae at anak sa Pilipinas.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …