Friday , December 27 2024

Voters’ registration na naman? Comelec voter’s ID nasaan na?

UMARANGKADA na kahapon ang voter registration na iniabiso ng Commission on Elections (Comelec) nitong nakaraang Lunes, 31 Agosto 2020.

Actually ang terminong ginamit ng Comelec ay ‘resume.’ Ibig sabihin ay itinuloy lang nila ang naantalang rehistrasyon dahil sa pandemyang CoVid-19.

Ayon kay Comelec spokesperson, Director James Jimenez, ang paghahain ng aplikasyon ay mula Martes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, mula 8:00 am hanggang 3:00 pm, sa Office of the Election Officer (OEO) gaya ng sinasabi sa advisory nitong 31 Agosto.

Pinapayohan ang mga magrerehistro na i-download ang application form sa Comelec website (www.comelec.gov.ph) saka ito sagutin at magdala ng sariling panulat o ballpen bilang pag-iingat laban sa CoVid-19. Sa harap ng Election Officer sa Comelec office lalagdaan ng aplikante ang kanyang application form.

Ipinatutupad din ng Comelec ang “No Face Mask and Face Shield, No Entry” policy sa mga magpaparehistro.

Maaari lamang hubarin ang face mask at face shield Kapag nakasalang na sa biometrics procedure.

Lilimitahan din ng Comelec ang mga aplikante sa bawat araw.

At gaya ng paggamit ng face mask at face shield, mahigpit na oobersbahan ang physical distancing, checking ng body temperature, sanitasyon ng kamay at sapatos o iba pabng sapin sa pa.

Malinaw naman ang ibinabang kautusan at patakaran ng Comelec.

Pero ang tanong, tila ‘napakaaga’ naman ng aktibidad na ‘yan ng Comelec. Napakaaga na ang ibig nating sabihin ay hindi pa klaro ang panahon.

Napatag na nga ba ang kurbada ng pandemya? Bumagsak na ba talaga ang bilang ng mga nahahawa? May katiyakan na bang tuluyan nang mamamatay ang virus na CoVid-19?

Alam nating hindi pa tiyak, ang mga sagot sa mga tanong na ito. Wala pa tayong ‘assurance’ na tuluyan na ngang maglalaho ang CoVid-19.

E bakit kailangan maglunsad ng ganito ‘kapanganib’ na hakbang ang Comelec?!

Ang voter registration ba ay ‘singbigat’ ng buhay at kamatayang desisyon ng isang indibidwal?! Na kung hindi siya magrerehistro ngayon ay hindi na siya makapagrerehistro sa mga susunod na panahon?

May masisira ba sa sistema ng pamahalaan kung huwag munang ituloy ang voter registration?!

‘Mababaog’ ba ang mga tao sa Comelec kapag hindi nagsagawa ng voter registration sa panahon na nasa pandemya ang bansa?!

Director James Jimenez, Sir, may hinahabol ba ang Comelec? May quota ba kayong dapat punuin? E paano pala kung biglang maging ‘epicenter’ ng CoVid-19 ‘yang opisina ninyo? (Huwag naman po sana!)

Bakit hindi?! Ang biometrics po ay kukunin sa mata at daliri. Puwede bang linisin ng alcohol ang machine na gagamitin sa biometrics?

Hindi ba’t ang CoVid-19 ay unang nananahan sa mata, ilong, bibig, at mga kamay?!

Unsolicited advice lang po, ang voter registration ay maaaring maghintay. Maaari itong itigil muna hangga’t walang katiyakan ang panahon.

Kung hindi naman puwede, hindi ba maaring isabay na lang ito sa census? Hindi ba puwedeng magdala camera para makuha ang biometrics ng mga magpaparehistro?

Sa palagay natin, mas makabubuting punan ninyo ang backlogs sa pag-iisyu ng voter’s ID. Ilang taon na ang nakalipas, halos mag-iisang dekada na pero hanggang ngayon wala pang natatanggap na voter’s ID ang mga nag-apply sa inyo.

Ang inyong lingkod ay isa sa mga hanggang ngayon ay hindi pa naiisyuhan ng voter’s ID.

‘Yan ang dapat ninyong unahin, Director James! Hindi ‘yung registration na naman pero wala naman kayong maibigay na ID.

Ay sus!

Ang buhay ng tao kapag iginupo ng CoVid-19, wala na!

Ikaw ba, Director James, handa ka bang isugal ang buhay mo sa isang pandemyang wala kang kalaban-laban?

Kung ang sagot mo ay hindi, puwes ganoon din ang gusto ng mga mamamayang Filipino na ‘binuyo’ mong magparehistro kahit hindi pa sigurado ang panahon.

Kung ang sagot mo naman ay oo, puwes, mauna kang mag-isa mo…

Adios!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *